God Will Forgive You

  • Uploaded by: Ransel Fernandez Villaruel
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View God Will Forgive You as PDF for free.

More details

  • Words: 522
  • Pages: 1
Patatawarin Ka ng Diyos

man kalaki ang kasalanan o kung gaano ito kaliit; hindi rin pinaguusapan dito kung gaano na katagal nang ito’y magawa, o kung ito ba’y kagagawa pa lamang at di pa katagalan. Hindi rin mahalaga kung ito ma’y nangyari nang di sinasadya, o intensiyonal, o kaya’y natural na lamang na nangyayari, o dili kaya’y isang komplikado at napakaseryoso’t malisyosng kasalanan. Patatawarin ka ng Diyos kung lalapit ka sa Kaniya [sa may Krus ni Hesu-Kristo] upang ihingi ito ng tawad sa Kanya. Pinatawad ng Diyos ang mga taong nagpako sa Kaniyang Anak sa krus—nang hingin nila ito sa Kaniya.2 Kung gayon, bakit mo maiisip na hindi ka Niya patatawarin kung hihingi ka sa Kaniya ng tawad? Ano ba sa palagay mo ang hindi kayang ipatawad sa inyo ng Diyos? Ano sa tingin mo ang hindi saklaw ng Kaniyang pagpapatawad?— Pagpapalaglag ng bata?—Pangangalunya?—Pang-aabuso?— Pagkamuhi?—Pagkukunwari? Pagpapanggap?—Pagpapaimbabaw?— Pagdududa? Pag-aalinlangan? Kawalan ng pananalig?—Nakaraang Pakikipaghiwalay o Diborsiyo?—Pagpapaka-lasing sa alak?—O Imoralidad? O dili kaya’y pagpaslang??_________________. Ano pa nga ba? ___________________. Punan mo ang patlang. Walang anumang bagay na iyong nagawa ang hindi Niya makakaya o hindi Niya ipatatawad kung buong pagpapakumbaba kang aamin sa’yong mga kasalanan at nagtitiwalang patatawarin ka nga Niya sa mga iyon.

ni Anne Graham Lotz

Minsan sa’king buhay noong ako’y kabataan pa lamang, napanood ko ang isang lumang ‘black-and-white’ na pelikula ni Cecil B. Demille—isang pelikula tungkol sa buhay ni Hesus, pinamagatang “Hari ng mga hari”. Ang pelikula’y nakaka-antig ng damdamin; oo, ito’y bumagabag sa’kin nang gayon na lamang—anupa’t habang ito’y aking pinanonood, nagsimula akong umiyak, lalo na sa tagpo ng pagpako kay Hesus sa Krus. Nabatid ko’t naunawaan na si Jesus ay namatay para sa akin at ang aking mga kasalanan ang nagpako sa Kanya sa krus. Inakay ako ng aking ina sa pananalangin, habang inihahayag ko ang aking mga kasalanan sa Dios at sinabi ko sa Kaniya na ako’y nalulungkot sa nagawa kong mga kasalanan. Inamin ko sa Diyos ang aking mga pagsalangsang at pagsuway. Nagsisi ako. Pinasalamatan ko si Hesus sa pagkamatay Niya para sa’king mga kasalanan at humingi nga ako ng tawad sa Diyos. Sinabi ko rin sa Kanya na sumasampalataya akong si Hesus ay muling bumangon mula sa mga patay, at Siya’y nabubuhay ngayon at magpakailanman. Inanyayahan ko siyang pumasok sa aking buhay. Sabi ko, “Hesus, kailangan kita. Halika’t manahan Ka sa’king puso.” Wala akong natatandaang anumang dramatikong pakiramdam matapos ‘yun, subalit alam kong ang aking kasalana’y napawi nang lahat; naramdaman ko ang kagaanan ng kalooba’t pakiramdam ng isang taong pinatawad nang lubos sa kaniyang mga kasalanan. Ako’y ipinanganak na muli—oo, ako nga’y muling isinilang, hindi sa pisikal kundi sa espiritwal. Isinilang ako sa isang bagong pamumuhay. Nangyari ito nang tanggapin ko si Hesus [sa pananalangin] bilang aking Tagapagligtas at Panginoon. Ang panalanging yao’y nagpaumpisa ng isang mapagmahal na relasyon kay Hesus na mas lalong tunay sa’kin kaysa sa iba. At nais kong ibahagi ito sa

“There is nothing you have ever done that He cannot or will not forgive when He is humbly asked.”

inyo . . . Tanging ang Diyos lamang, sa pamamagitan ni Cristo, ang may kapangyarihang magpatawad ng kasalanan.1 Hindi mahalaga gaano 1

Related Documents

God Will Forgive You
June 2020 21
Forgive
May 2020 15
Will Of God
December 2019 30

More Documents from "David Salazar"

General Psychology
June 2020 14
Debate Dialogues
June 2020 26
C. S. Lewis
June 2020 17