Genghis Khan Si Genghis Khan (mga 1162–Agosto 18, 1227) (Siriliko: хан, Intsik: (binabaybay din bilang Chengez Khan sa Turko ,Chinggis Khan, Jenghis Khan, Chinggis Qan, atbp.), ay ang nagtatag ng Imperyong Mongol (1206–1368), ang pinakamalaking kumpol na imperyo sa kasaysayan ng daigdig. Ipinanganak bilang Temüjin Hanyu Pinyin: pinagkaisa niya ang mga tribong Mongol at tinatag ang makapangyarihang sandatahang lakas batay sa meritokrasiya, upang maging pinakamatagumpay na pinunong militar sa kasaysayan. Sinakop ng kaniang imperyong ang Republikang Popular ng Tsina, at kanyang itinatag ang Dinastiyang Yuan. Siya ay namatay habang nakikidigma sa Kanlurang Xia noong 1227. Ang nagtuloy ng pagtatag ng Dinastiyang Yuan ay ang kaniang apo. si Kublai Khan.
Pag-akyat sa Trono Ang nagmana ng trono ay ang kanyang ikatlong anak si Ogedei Khan na ipinagpatuloy ang pagpapalawak sa imperyo at hinati din naman ang kanyang imperyo sa kanyang mga anak na lalaki. Ang kanlurang bahagi ay napunta kay Jochi (namatay noon 1226 at nahati ito sa Bughaw na Horde at Puting Horde), ang gitnang Asya ay napunta kay Chagatai Khan, at ang lupain ng mga Mongol ay napunta kay Tolui na naging rehente rin ng imperyo bago si Ogedei ang mahirang[
Ang kanyang buhay ay matutunghayan rin sa Russong palabas na Mongol (2007)