Fgsdfgsdfg.docx

  • Uploaded by: Lex Harriet
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Fgsdfgsdfg.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 452
  • Pages: 1
March 16, 2019

Mr. Juan Gonzales Jr. III Coordinator of Student Activites Holy Family Academy

Ginoong Juan Gonzales Jr. III, Isang magandang pagbabati Ginoong Juan! Nais po naming iparating an gaming plano sa inyo ukol sa Youth Development activity sa kalikasan. Magalang din naming hinihingi ang iyong pahintuloy sa aming programa nagagawin. Sana po’y itong liham na’to ay makakarating sa’yo sa mabuting kalusugan. Base sa aming mgadatos na na nakalap, sa pagtaas ng bilang ng populasyon, higit na tumaas din ang dami ng nagkokonsumo ng pangangailangan sa pagkain at inumin. Dahil dito, dumarami na rin ang mga basura na itinatapon ng mga mamamayan ngunit ito’y hindi itinatapon sa tamang paraan. Naiipon ang mga kalat na kung saan nasisira ang ating kalikasan. Isa pang dahilan kung bakit dumarami ang kalat sa kalikasan ay dahil kulang ang mga mamamayan sa kaalaman tungkol sa mga epekto nito. Batay sa aming pananaliksik, isang epekto dito ay polusyon sa tubig. Alam nating lahat na kinokonsumo ito ng mga hayop sa paligid natin, at ito’y hahantong sa kamatayan nila. Kasama na din ang pagdag-dag ng mga masamang insekto tulad ng dengue at lamok nang ito’y makakaapekto sa kapakanan ng mga mamamayan. Sa dahilang ito, tumataas na rin ang rate ng dengue fever sa mga barangay. Hindi rin maganda tignan ang kalat na sumasakop ng kapaligiran. Ang solusyon na pinag-isipan ng aming grupo ay isang Community Service Program, na kung saan papalawakin namin sa mga mamamayan ang iba’t-ibang epekto ng pagkakalat ng basura sa kalikasan. Sa pamamagitan ng community service, sila’y magkakaroon ng masmalalim na pananaw sa mga nangyayari sa kalikasan ngayon habang paunti-unting lumilinis ang kapaligiran. Ang aming pamamaraan upang matupad ang aming programa ay ang pagdadaan sa pagpulong, paghanap ng lugar, paglikom ng badyet, at ang paghihikayat ng mga club at organisasyon tulad YES-O, Math Club, Speaker’s Guild, at Art’s Club upang makisama sa aming programa. Sisimulan na namin sa Hunyo ang pagpplano sapagkat nais naming gawin ang programa nang maayos. Pinili namin ang December 4-6,2019 ang petsa para sa programa dahil sa maraming rason. Ang isa sa mga nangingibabaw na salik sa pagpipili ng petsa na ito ay ang panahon. Ang buwan na December ay hindi masyadong tag-init. Isa din sa mga rason ay ang kalapitan ng Pasko sa petsa na iyon. Maaari nating sabihing regalo natin ang community service sa barangay na napili. Ang aming nangingibabaw na mga layunin ay matugunan ang paunti-unting paglinis ng kalikasan at ang paghihikayat sa pagbabago ng mga asal para sa kalikasan. Konektado din ito sa pagbubuo ng karakter sa youth tulad ng responsibilidad, disiplina, serbisyo, at karunungan. Sana po ay maisaalang-alang mo ang aming plano para matupad ang mga ito.

Lubos na gumagalang,

Jeric Ronquillo HFA Student from 9-Micah

More Documents from "Lex Harriet"