Fact Sa Buwan Ng Wika.docx

  • Uploaded by: Reneleen Callejo Fabia
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Fact Sa Buwan Ng Wika.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,101
  • Pages: 5
PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA

A

ng buwan ng Agosto ay ang tinaguriang Buwan ng Wika ng

Pilipinas. Naaalala n’yo pa ba kung bakit? At saka, naaalala n’yo pa bang hindi Buwan ng Wika ang ating ipinagdiriwang kundi Linggo ng Wika lamang? Kung hindi na, sabay-sabay nating balikan ang kasaysayan ng isa sa mga pinakamahalagang pagdiriwang sa buong bansa.

BUWAN ng Wika

ang Agosto at ang pagdiriwang ay alinsunod o batay sa Proclamation No.1041 na nilagdaan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos noong Hulyo 13, 1997 na nag-aatas na ang Agosto ay Buwan ng Wika at Nasyonalismo. Sa bisa ng nasabing proklamasyon, sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filpino ay nagsasagawa ng mga makabuluhang programa na may kinalaman sa wika at kulturang Pilipino. Ang tema para sa taon na ito ay: “Filipino: Wika ng Saliksik”. Kung Buwan ng Wika, ang mga paaralan mula elementarya at high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan hanggang kolehiyo at pamantasan ay may inilulunsad na mga gawain at programa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Isang natatanging gawain na nagpapatingkad upang maipakita ang pagmamahal sa wika ng ating

Ayon

sa Wikipilipinas, ilan sa mahahalagang pangyayari sa pagsisimula ng selebrasyon natin ng Buwan ng Wika ay ang mga sumusunod:  Marso 26, 1946– Ipinalabas ni Pangulong Sergio Osmena ang Proklamasyon Blg. 35 na nagtatalaga ng petsa Marso 27 hanggang Abril 2 bilang Linggo ng Wika.  Setyembre 23, 1955- Iniutos ni Pangulong Ramon Magsaysay sa kanyang Proklamasyon Blg. 186 na ilipat ang selebrasyon ng Linggo ng Wika papuntang Agosto 13- 19. Bilang paggunita umano ito sa

kaarawan ni Manuel L. Quezon na tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.  Agosto 12, 1988- Inilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 upang pagtibayin ang pagdideklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Agosto 13 hanggang 19 kada taon.  Enero 15, 1997- Ipinagtibay ni Pangulong Fidel V. Ramos sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 na tataguriang buwan ng wika ang buong buwan ng Agosto bilang pagpapalawig pa ng selebrasyong Linggo ng Wika.

“WIKANG FILIPINO”

A

ng wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura.

Kasangkapang ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Ang pagsilang ng wika ay nagibibigay buhay sa sibilisasyon. Sa pamamagitan nito, malinaw na nailalarawan ang bawat karanasan at damdamin ng bawat tao. At sa pagkakaroon ng sariling wika ay lubusang naipapahayag ng nakararaming mamamayan ang kanilang kaisipan. Ang wikang “Filipino” ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng ating bansa. Ang ingles ang isa pa – ayon sa saligang batas ng (1987). Isa itong wikang austronesyo at ang de facto (“sa katotohan”) na pamantayang bersyon ng wikang tagalog, bagaman de jure (“sa prinsipyo”) itong iba rito. Isang layunin ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at politikal na pagkakapatiran at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa.

Dapat lamang at napakahalaga na magamit natin ang ating wikang pambansa sa lahat ng kaparaanan. Hinggil sa ating pakikipagtalastasan saan man tayong rehiyon nabibilang, dahil bilang isang mamamayan sa bansa nakapaluob sa ating wikang pambansa ang saliring kulturang tinataglay na pagkikilanlan ng ating sariling bayan, tungo sa pag-unlad ng ating pang-economiya at katatagang politika. Napakahalaga na pagsanayang magamit natin ang ating wika, ayon sa ikapananatili nito at kalinangan ng ating pag-iisip. Sapagka’t ang sariling wika ng isang bansa ay ang susi sa kaunlaran. Kung bakit? Ang pagkakaruon ng sariling wika ng isang bayan ang larawan ng pagkakaroon ng mabuting pakikipagtalastasan, kaisahang pagiisip at magkakaroon lamang ng pagkakaisang may pagmamalasakit nang bawa’t pamayanan.

Paano mapapanatili at makakapagtibay kaunawaan kung hindi gagamitin? Pilipino ka, Pilipino ako, sino pang magsasabing siya ay Pilipino? Kung siya na man ay walang katibayan kahit sa pananalita? Ano ba ang wika ng isang mamamayang nakatira sa bansang Pilipinas? Kung sinasabi mo na ikaw ay Pilipino, gumamit ka gamitin mo ang wikang Filipino na magbibigay katibayan sa iyong pagiging isang mamamayang may mabuting puso at may pagmamahal sa kanyang sariling bayang tinubuan. Isa ka bang mamamayan na nagmamahal sa iyong bayan? Sa wika – ayon sa katalagahan nito o tinatawag na naturalesa ang lahat ng nilalang ay magkakaugnay; nagkakabuklod-buklod. Gaya nalang ng prinsipyo ng tore ni babel. Ang dahilan kung bakit sila nanatiling matatag at ang pagkakaruon nila ng isang pamahalaan ay ang wika. Sa pagkakaroon ng isang wika lahat ng tao ay pantay-pantay, mahirap o mayaman ay may batas na dapat sundin para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan nito sa isang bansa. Hindi nga ba’t parang sinasayang lang natin ang ating wika kung hindi natin ito gagamitin, papalaguin, at ipagmamalaki? Samantalang pinaghirapan itong isulong at itaguyod ng ating mga bayani. Sabi nga ng ating pambansang bayani na “ ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit

pa sa hayop at malansang isda”. hindi nga ba natin napapansin na parang naiinsulto na natin sila na matapos nilang lumaban, ibuwis ang kanilang mga buhay ay hindi natin papahalagahan ang sarili nating wika? Sabi nga ng ating kasalukuyang pangulo na si Pnoy upang makamtan natin ang katiwasayan at kaunlaran, kailangan tahakin ang matuwid na landas, at para matahak ang landas na ito, kailangang magkaisa. Sapagkat, sa gitna ng globalisasyon at kolonyalismo, wika pa rin ang nagbibigay sa atin ng kaisahan upang ating maabot ang inaasam na kaunlaran.

Gamitin natin ang wikang Filipino tungo sa ating tuwid na daan, bilang mabuting mamamayan ng Pilipinas.

MANUEL L. QUEZON Ang mestiso Espanyol na si Manuel Luis Quezon ay ipinanganak noong ika-19 ng Agosto, 1877 (bagamat ang kanyang opisyal na kaarawan ay ang ika-19 ng Agosto, 1878) sa Baler, Tayabas (ngayon ay nasa lalawigan na ng Aurora), kina Lucio Quezon, isang guro mula sa Paco, Manila, na isa ring retiradong sarhento sa sandatahang kolonyal ng Espanya, at Maria Dolores Molina, isa ring guro sa kanilang bayan

Ayon sa Pangulong Manuel L. Quezon na kinikilala na Ama ng Wikang Pambansa na ang kaarawan ay ginugunita at ipinagdiriwang tuwing ika-19 ng Agosto, ang wikang pambansa ay ang isa sa mga katibayan na dapat taglayin ng bawat malaya at nagsasariling bansa. Dahil dito, nagsisikap tayo hindi lamang patungo sa pagpapayaman nito upang maging mabisang kasangkapan sa pagpapalawak ng diwa at pagpapalaganap ng kultura. Ang pagka-Pilipino sa isip, ugali, damdamin at sa wikang nagpapahayag ng kabuuan ng disiplinang Pilipino ang kailangan ng mga mamamayan laluna ng mga naglilingkod sa bayan. Sa ating makabagong panahon, ang nabanggit na pahayag ng Pangulong Manuel L Quezon ay madama at maunawaan sana ng mga kababayan natin na patuloy pa rin sa kawalan ng disiplinang Pilipino, may diwang alipin at kapag naglilingkod na sa bayan ay nalalasing sa kapangyarihan.

Related Documents


More Documents from "Lorna Escala"