Exam Esp 10 1st.docx

  • Uploaded by: Jessie Mae Asilum Juanich
  • 0
  • 0
  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Exam Esp 10 1st.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,677
  • Pages: 4
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Pangalan: ________________________________________ Petsa: __________________ Baitang: _______ Seksiyon: ________________ Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot 1. Ano ang nagtutulak sa tao upang tumulong sa kapwa? a. Kakayahang mag-abstraksiyon c. pagmamalasakit b. Kamalayan sa sarili d. pagmamahal 2. Ito ay dahil sa mga emosyon at dahil sa kilos-loob a. Pagkagustong pakultad c. konsensiya b. Pangkaalamang pakultad d. kilos-loob 3. Kakayahang lumikha ng larawan sa kaniyang isip at palawakin a. Kamalayan b. Memorya c. Imahinasyon d. Instinct 4. Kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon ng hindi dumadaan sa katwiran 5. Kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan 6. Pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa 7. Ito ang pagka-sino ng tao na tumutukoy sa pagigung hiwalay niya sa ibang tao a. Persona b. Indibidwal c. Personalidad d. Kapwa 8. Ang tao bilang _____ ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya 9. Ang resulta ng pagpupunyagi sa pagbuo ng kaniyang pagka-sino at pagkamit ng tao ng kaniyang kabuuan 10. Alin sa mga sumusunod na katangian ng tao bilang persona na kung saan siya ay umiiral na nagmamahal? a. Ens amans b. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng umiiral

c. may kamalayan sa sarili d. may takot sa Diyos

11. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto ng isip. Tama o Mali baa ng pahayag? a. TAMA, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama b. TAMA, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip c. MALI, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan ng isip d. MALI, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid ditto 12. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral MALIBAN sa: a. Ito ay sukatan ng kilos b. ito ay pinapalaganap para sa kabutihang panlahat c. Ito ay nauunawaan ng kaisipan d. ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao 13. Ang ________ ay munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo at nag-uutos sa kaniya sa gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon a. Utang na loob b. konsensiya c. ens amans d. obligasyon 14. Isang uri ng kamang-mangan na walang pamamaraan na magagawa ang isang tao upang malampasan ito a. Invincible ignorance c. Knowing Faculty b. Vincible ignorance d. Appetitive faculty

15. Ano ang isinasaad ng unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral? a. “Gawin ang mabuti , iwasan ang masama.” C. “Unahin ang kapwa bago ang sarili.” b. “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.” d. “Umiiral na nagmamahal.”

“Higit na nagiging Malaya ang tao kapag ginawa niya ang mabuti. Walang tunay na kalayaan kundi sa pagmamahal at paglilingkod.” 16. Ano ang mensahe ng pahayag sa kahon? a. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti b. makabubuti sa tao ang pagkamit ng kalayaan c. Ang pagiging Malaya ay nakabatay sa kilos ng tao d. ikaw ay Malaya kapag naipakita ang pagmamahal at paglilingkod 17. Ano ang tinutukoy na mabuti? a. Ang pagkakaroon ng kalayaan b. ang kakayahan ng taong pumili ng mabuti c. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa d. ang magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahan 18. Bakit kailangang lumaya ang tao sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, at iba pang negatibong pag-uugali? a. Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan b. Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian c. Nag-iiwan ito ng di magandang imahe sa pagkatao ng tao d. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong pag-uugali 19. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan? a. Kilos-loob b. konsensiya c. pagmamahal d. responsibilidad 20. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdedesisyon kung ano ang gagawin? a. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob b. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya c. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya d. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ito 21. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng kalayaan? a. Nagagawa ni Connie ang mamasyal anumang oras niya gustuhin b. Inamin ni Lala ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa c. Hindi mahiyain si Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa tao d. Kahit pagod na galling sa trabaho, sinamahan pa rin ni Jayke ang kapitbahay na isinugod sa ospital 22. Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao? a. Dahil kailangang malinang ang pagkatao ng tao sa pamamagitan nito upang matamo ang layunin ng kaniyang buhay sa mundo b. Para maging Malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang tumugon sa pangangailangan ng sitwasyon c. Para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil magagawa niya ang kaniyang nais na walang nakahahadlang dito d. Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan ng taong piliin ang mabuti kaya ibinigay sa kaniya ang kalayaan 23. Alin ng hindi tinutukoy ng bahaging “madaling maging tao” sa kasabihang “madaling maging tao, mahirap magpakatao.”? a. May isip at kilos-loob ang tao b. May kamalayan siya sa kanyang pagtungo sa kanyang kaganapan c. Tapat ang tao sa kaniyang misyon

d. May konsensiya ang tao 24. Ano ang buod ng talata sa ibaba May kakayahan ang tao na gawing obheto ang kaniyang sarili. Dahil sa kaniyang kakayahang magmuni-muni, alam ng tao na alam niya o hindi niya alam. Nagiging mundo ang kaniyang kapaligiran dahil sa kakayahan niyang pag-isipan ang sarili. a. Ang tao ay may kamalayan sa sarili b. Alam ng tao sa mundo ang anumang bagay ay may kaugnayan sa kaniyang sarili c. Tapat ang tao sa kaniyang misyon d. May konsensiya ang tao 25. Alina ng dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kaniyang misyon sa buhay na siyang mgiging daan tungo sa kaniyang kaligayahan a. Mga katangian ng pagpapakatao c. mga talento at kakayahan b. Mga pangarap at mithiin d. kasipagan at katapatan 26. Anong katangian ng pagpapakatao ang ipinakita ni Biddha sa pangungusap? Noong nakita ni Buddha ang apat na lalaki: isang matanda, may ketong, bangkay, at pulubi, nakabuo siya ng buod ng buhay: Ang buhay ay isang pagdurusa. a. May kamalayan sa sarili c. may kakayahang kumuha ng esensiya ng mga umiiral b. Umiiral na nagmamahal d. tumutugon sa tawag ng paglilingkod 27. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan? a. Mag-isip b. makauna c. maghusga d. mangatwiran Para sa bilang 28-29 Basahin ang maikling talata sa ibaba. Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit ng nagkaroon siya ng sakit na diabetes, nagging maingat na siya sa pagpili ng kaniyang kakain kahit gustong-gusto niya ito. 28. Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin? a. Ang tao ay may kamalayan sa sarili c. may kakayahan ang taong mangatwiran b. Malaya ang taong pumili o hindi pumili d. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon

29. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito? a. Magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandama at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang deriksyon b. Ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin c. Kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit d. Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao. Kaya nga ang tao ay natatangi 30. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon? a. Pagmamahal b. paglilingkod c. hustisya d. respeto 31. Alin sa sumusunod ang maituturing ng kamangmangan di madaraig? a. Pagbili sa inaalok na cellphone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galling sa masama b. Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye ngunit ipinambili lamang ng rugby c. Pagpapainom ng gamut sa kapatid na may sakit kahit di tiyak kung makabubuti ito d. Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid Para sa bilang 32 at 33 May suliranin sa pera ang pamilya ni pamilya ni Louie. Isang araw, may dumating na kolektor sa kanilang bahay, ngunit wala silang pambayad. Inutusan si Louie ng kaniyang ina na sabihing wala siya at may mahalagang pinuntahan. Alam niyang

dapat sundin ang utos ng ina. Sa kabilang banda, alam din niyang masama ang magsinungaling. Sa pagkakataong ito, ano kaya ang magiging hatol ng konsensiya ni Louie? Ano ang dapat niyang maging pasya? 32. Alin sa sumusunod ang dapat gawin ni Louie batay sa hatol ng kaniyang konsensiya? a. Iutos sa kasambahay na sabihing wala ang may-ari ng bahay b. Harapin ang kolektor at sabihing wala ang kaniyang ina c. Magtago sa silid at hayaang maghintay ang kolektor d. Tumawag ng pulis at isuplong ang kolektor 33. May pananagutan ba si Louie sa kaniyang gagawing pagsunod sa magulang? a. Wala, sapagkat sumunod lamang siya s autos b. Mayroon, dahil di siya patutulugin ng kaniyang konsensiya c. Wala, sapagkat totoo naming wala silang pambayad at style lang iyon ng ina na sabihing wala siya d. Mayroon, dahil ang mapanagutang kilos ay kilos na mabuti at may konsensiya 34. Paano mas mapapalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya? a. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti b. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya c. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na batas Moral d. Kung nagsasanib ang tama at mabuti 35. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama? a. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama b. Higit na madaling gawin ang masamang bagay kaysa mabuto c. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura d. Hindi tuloy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya. GOD BLESS! “Si God lang ang forever na magmamahal sayo. Kaya mahalin mo din siya dahil nag-iisa lang siya sa mundo.” Maam Jess

Related Documents

Exam Esp 10 1st.docx
April 2020 13
Exam Esp - Fourth.docx
October 2019 11
Exam 10
April 2020 6
Hei_tema 10 Esp
May 2020 9
Esp 10.docx
November 2019 11

More Documents from "xannyday"

Exam Esp 10 1st.docx
April 2020 13
Case 1.docx
May 2020 20
Nomor.docx
December 2019 71
Tensi Manset.docx
November 2019 51
Anjing.docx
December 2019 67