Bughaw 1

  • Uploaded by: Mara Melanie D. Perez
  • 0
  • 0
  • October 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Bughaw 1 as PDF for free.

More details

  • Words: 9,408
  • Pages: 20
BUGHAW

ANG OPISYAL NA PANLITERATURANG BABASAHIN NG MABABANG PAARALAN NG ATENEO

Bilang 1 T.P 2008 - 2009

[email protected]

Mensahe para sa Bawat Mag-aaral ng Gitnang Paaralan

Mahal naming mga mag-aaral ng Gitnang Paaralan,



31 Agosto 2008

Isang masiglang pagbati sa inyo! Malaki at malayo na ang narating ng ating paaralan sa loob ng 149 na taon. Marami na rin ang nagbago sa Ateneo kasabay ang pagbabago ng mundong ating tinitirahan. Bilang mga kabataan ng henerasyong ito, marami kayong nasasaksihan sa kasaysayan ng ating paaralan at ng ating bansang Pilipinas. Dahil kayo’y mga Atenista, nararapat lamang na mahalin at ipagmalaki ninyong kayo’y nandito upang Padre Norberto Maria matuto, mahubog at lumaki. Luza Bautista, SJ Hawak ninyo ang unang isyu ng Bughaw. Basahin ninyo ang mga kwento TAGAPAGLATHALA at repleksyon ng inyong mga kapwa Atenista sa Ikaanim at Ikapitong Baitang. Dito ipinapamalas ang kanilang galing sa wikang Filipino. Ayon nga sa pinakahuling isyu ng Matanglawin, “Sa pamantasang pinipintasan... sa pagiging hiwalay nito sa lipunang Filipino, [maraming] nangahas na isulong ang Filipinisasyon... upang makababa ang mga Atenista sa kanilang burol at nang sa gayo’y mapalapit sa taumbayan.” Ayon naman kay Padre Roque Ferriols sa kanilang panayam, “Ang Filipino, pagsasalubungan nating lahat at mas madaling matutunan iyon ng mga taong wala sa unibersidad, ng mga taong nagwawalis sa kalsada, halimbawa.” Kaya naman hindi dapat isantabi ang Pambansang Wikang ito. Ito ang wikang nangingibabaw sa bansang pinagsisilbihan ng mga Atenista. Sa mga mag-aaral sa Ikaanim at Ikapitong baitang, malaki na ang daloy ng inyong landas. Patuloy lamang kayo sa daan tungo sa paglaki at paghanap ng kaligayahan at patutunguhan ninyo sa buhay. Para naman sa mga mag-aaral natin sa Ikaapat at Ikalimang baitang, huwag kayong matakot o mahiya sa pagtuklas ng G. Jose P. Salvador, Jr. mga bagong gawain at interes sa buhay. . ASST. HEADMASTER FOR Palagi ninyong isipin na kasama sa pagiging Atenista ang pagmahal sa kaalaman STUDENT AFFAIRS (AHSA) at pagkatuto, pagkakaroon ng maayos na buhay, paghahangad sa magagandang pangarap para sa iba at higit sa lahat, paglaki na may takot sa Panginoon. Sinambit Gng. Lucila nga ni Padre Nebres, “Ang responsibilidad ng Ateneo ay makatulong sa kahirapan G. Or en KALIH ng bayan.” Kaya naman tulung-tulong tayo sa pagsulong ng ating mahal na bansa, sa IM (A cio HSA) pagsisimula sa pagmamahal sa ating sariling wika. Masiglang araw muli. G. Jason A. de las Alas at Bb. Mara Melanie D. Perez MGA TAGAPAMAGITAN, Bughaw



Mga Tumulong: Jerome Christopher Po, Youn-duk Chung at Enzo Miranda

•§• •§•

Ang Pilipino at Ang Atenista Ang Ateneo ay isang lugar ng kabayanihan, dito ay mararamdam ang wagas na dahilan ng pagiging dalisay na Pilipino. Iyong makikita sa aklatgabay ng Ateneo na hangad nila na maging isang kagalanggalang at karapat-dapat na Pilipino ang kanilang mga estudyante. Sa buhay ng isang Atenista ay karaniwan lamang ang pagiging makabayan sapagkat akma at mahusay na isinalang sa mga puso at isipan nila ang pagiging likas na Pilipino. Pero teka, ano ba ang Pilipino? Ang isang Pilipino o Pilipina ay isang mamamayan ng makulay at marangal na bansang Pilipinas. Subalit, hindi iyan ang dapat itanong dapatwat ang wastong katanungan ay ito, “Ano ba ang tunay na Pilipino?” Ang tanong na ito ay masasagot lamang ng isang totoong mamamayan ng Pilipinas. Ang sinserong Pinoy ay may puspos na pagmamahal sa kanyang tanging bansa. Hindi niya ipagpapalit ang kanyang dignidad para sa iba sa halip ito ay kanya pang buong loob na ipinagmamalaki sa iba. Masipag siya sa lahat ng uri at antas ng gawain. Bigyan mo siya ng isang madaling layunin at kanyang gagawain nang maigi at pagagandahin pa niya ito. Tuwing siya naman ay pagkakatiwalaan ng isang mabigat at mahirap na gawain ay kanyang iaalay ang lahat ng kanyang pagsisikap at pagpupunyagi para lamang ito’y makumpleto nang tama at mahusay. Sa tunay na Pinoy ay walang kahihiyan o pagkakamali na sisira sa loob niya bagkus ito’y maging daan patungo sa tagumpay at paraan ng patnubay na magbubunga ng katanyagan. Ang tiyaga at pagpupursige ng Pilipino ay walang katapat pagka’t sa lahat ng trabaho ay hindi susuko

hanggang sa katapusan! Magiliw tumanggap ng iba ang Pilipino mahirap man o mayaman lahat ay panta-pantay sa kanila. Sila ay bukas sa lahat ng ideya, isip, at paniniwala ng bawat isa. Masasabi mo rin na masisigla ang mga Pilipino sapagkat mabusisi nilang iniingatan ang kanilang katawan at kalusugan. Maingat din sila sa kanilang kapaligiran at habang unti-unti nilang nalalaman and suliranin ng tao sa kalikasan ay kaagad din nilang sinusubukang tugunan ito. Pangarap ng bawat Pinoy na maging katotohonan ang isang mundong mapayapa, ligtas, masaya, mapagmahal, at may pakundangan at pagkakaunawaan sa pagitan ng lahat ng nilalang. Ngunit ating tanggapin na bilang mga taong tapat na ang mga Pilipino ay tao pa rin at nagkakasala pa rin sa iba at sa Diyos na Maykapal. Kaya ating tandaan na nakasalalay sa ating kabutihan at tamang moralidad at konsiyensa ang magiging kinabukasan ng lahat. Mayroon pang ibang kagandahang katangiang tumitiyak sa isang tapat na Pilipino pero may isang kagandahang-asal na nangingibabaw o nanguguna sa iba. Ang isang tunay na Atenista ay madaling maihahambing sa isang matapat na Pilipino. Madaling sabihin ito dahil upang maging ganap na Atenista ay ika’y dapat isang taong magalang, maginoo, makisig, malakas, malinis, malusog, mapagbigay, mapagmahal, masaya, masunurin, matipid, matulungin at higit sa lahat ay may takot sa Diyos. Sa pagtatapos ng pahayag na ito ay aking kampanteng maibabatid na ang Pilipino at Atenista ay isang halimbawa ng pagiging isang kusang loob na tagapaglingkod ng Diyos at tagasilbi ng sariling kapwa! “Sa dulo ng mundo ang nilalang nagmamahal lamang ang magtatagal at magwawagi..” •§•

Mattthew Manuelito S. Miranda | 7-Bellarmine



•§• •§•

Inihahandog sa inyo ng Kagawaran ng Filipino, sa pamumuno ni G. Marcelino Arabit, at ng mga guro ng ikaanim at ikapitong baitang ang ilan sa pinakamahuhusay na talatang naisulat sa katatapos lang na Unang Kapat na Pagsusulit. Nawa ay may mapulot kayo rito, hindi lamang kung paano ang tamang pagsulat ng mahusay na talata kung hindi pati na rin mga aral sa buhay na gagabay sa inyong pagtagunton sa Ateneo.

Ang Magandang Dilag ng aking Puso Naranasan na ba ninyo ang saya kapag kasama ninyo ang inyong mga kaibigan? Naranasan ko ito noong nakaraang taon. Noong pumunta ako at aking mga kaibigan sa fair ng Miriam College, masayang-masaya kami. Nanood kami ng mga programa doon at nakinig sa iba’t ibang musika na tinugtog na mga babae. Kumain din kami ng masasarap na pagkain tulad ng pizza, mocha shake at iba pa. Bigla na lang may dumaan sa harap ko na sobrang gandang babae. Maputi siya at may mahabang buhok. Napansin niya ako na nakatingin sa kaniya at kumaway at ngumiti siya sa akin. Ngumiti at kumaway din ako sa kanya habang tawa nang tawa naman ang aking mga kaibigan. Mula noon hindi ko matanggal sa aking isipan ang babaeng iyon at ang mga tawa at saya ng aking mga kaibigan. Masaya ako dahil sa lugar na iyon, nakita ko ang babae ng aking puso. •§• Mikhail Jeremiah De Dios | 6-Abad Santos



•§• •§•

Pigilin ang Pag-init ng Mundo Alam niyo ba kung anong nangyayari sa mundo natin ngayon? Kung hindi pa ay kukwentuhan ko kayo base sa aking karanasan. Noong nakaraang Sabado, kami ng mga kaibigan ko ay nagpunta sa Manila Ocean Park. Pagpasok pa lang namin ay nagulat kami sa laki ng saltwater aquarium na nakita namin. Maraming iba’t ibang isda rito. Marami rin kaming nakitang iba’t ibang imahe ng mga isda at ang mga pangalan nito. Ngunit ang nakahuli sa aking atensyon ay ang lumalalang kaso ng Global Warming. Sabi rito ay natutunaw na ang malalaking yelo sa karagatan o iceberg kahit hindi pa nila panahon upang matunaw. Dahil na rin siguro ito sa mga pabrika na naglalabas ng usok o kemikal na puwedeng magpanipis sa ating ozone layer. Kailangan nating sugpuin ang patuloy na pag-init ng mundo habang maaga pa dahil baka dumating ang panahon kung saan wala nang tubig at wala nang mainom ang mga tao sa susunod na henerasyon. Baka sila ang maghirap sa ginawa natin. “Kailangan kong pigilan ang Global Warming,” sabi ko sa sarili ko. •§• Emmanuel Sanchez | 6-Agoncillo

Panalo sa Pagbasa Ang nagpapakita ng tiwala sa sarili ay mahalaga para ikaw ay maging matagumpay sa iyong mga gawain. Kaya ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan kung saan ako ay nagpakita ng tiwala sa aking sarili. Noong nakaraang taon, ako ay nanalo bilang Pangalawang Puwesto sa Paligsahan ng Pagbasa. Bago nangyari ang araw na ito, ako ay nagbasa ng maraming kwento na may maraming mahirap na bigkasin na mga salita. Pagkatapos ng aking pag-eensayo, ako ay natuwa dahil marami sa mga salita ay nabigkas ko nang tama. Pagkalipas ng araw na ito, ako

Seryosohin ang Lahat

Natutunan ko ang isang napakahalagang leksiyon noong ako ay nasa Ikalimang Baitang. Isang linggo bago ang pagsusulit para sa Ikaapat na Kapat, nag-aral ako sa loob ng aking kwarto. Binabasa ko ang mga libro at sinasagutan ko ang mga eksamen na binigay sa akin ng aking tatay. Nang kailangan ko nang pag-aralan ang matematika, nakita ko na madali lamang ito kaya hindi ko ito masyadong pinag-aralan. Mabilis lumipad ang mga araw at hindi ko namalayan na panahon na pala ng pagsusulit. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang sagutan ang mga tanong. Sa wakas, natapos din ang pagsusulit at panahon na upang malaman ang mga resulta. Nang ibinigay ng guro ang unang tatlong pagsusulit, nasiyahan ako dahil mataas ang gradong nakuha ko. Sa sumunod na araw ay ibinigay ang iba pang pagsusulit. Nalungkot ako dahil mababa ang nakuha kong grado sa matematika. Dahil dito, nasira ang pagkakataon kong makakuha ng gantimpala. Sa nangyaring ito, natutunan kong dapat kong seryosohin ang lahat ng pagsusulit. •§• Angelo Nino Pimentel | 6-Burgos

ay pumunta sa aking silid-aralan kaagad para humngi ng mga payo sa aking mga kaklase. Pagkalipas ng ilang mga oras, nagsimula na ang paligsahan. Ang mga mambabasa ay pinapunta ng mga hukom sa labas ng auditorium. Pagkatapos, ang bawat isang mambabasa ay binigyan ng papel na babasahin nila sa paligsahan. Nag-ensayo ako nang mabuti at ako ay naghintay hanggang matawag ako para sa paligsahan. Nang tinawag na ako, pumunta ako sa entablado para basahin ang kwento. Pagkatapos, ako ay umupo dahil ang mga hukom ay nagdedesisyon pa kung sino ang mananalo sa paligsahan. Pagkalipas ng ilang mga minuto, pinapunta ang lahat ng mga mambabasa sa entablado para tanghalin kung sino ang mananalo. Nagulat ako nang sinabi ng hukom na nanalo ako ng pangalawang puwesto sa paligsahan. Ang natutunan ko ay dapat laging may tiwala sa sarili para makuha mo ang gusto mong mapunta sa iyo. •§• Timothy James Castillon | 6-Aguinaldo

Huwag Ipagpabukas Noong nakaraang buwan, natuto ako ng isang mabuting aral. Noong isang araw na iyon, masaya akong bumangon na may ngiti sa aking labi. Pagkatapos, kumain ako ng isang masarap na agahan. Naging maganda ang simula ng aking araw ngunit may bigla akong natandaan, hindi ko pala natatapos ang aking takdang-aralin! Una, naisip ko na gawin ko na ang aking takdang aralin upang hindi na ako mag-alala sa mga ito ngunit napag-isipan kong mamaya ko na lang gawin ang mga ito dahil marami pa akong oras. Kaya naglaro at nanood ako ng telebisyon buong umaga. Noong hapon na, natandaan ko na naman na may takdang aralin ako. Hindi ko pa rin ginawa ito. Pagkatapos ng halos isang araw, nang nalaman ng aking magulang na hindi ko pa natatapos ang aking gawain galit na galit nila akong sinigawan. Sa aking takot, mabilis kong ginawa ang aking takdang aralin. Natutunan ko na huwag maghintay ng bukas sa aking mga gawain. •§• Mark Angelo Allado | 6-Aguinaldo



•§• •§•

Respeto sa Kapwa Tao Naniniwala ba kayo sa kasabihang “Lahat ng itatapon mo ay babalik sa iyo?” Noong nakaraang bakasyon, ako ay pumasok sa isang tutoring center sa aming bayan. Araw-araw, may nakikita akong batang umiiyak sa isang sulok kaya naman nagdesisyon ako na lapitan ang batang iyon. Nakita ko ang sanhi ng kanyang pag-iyak: ang kanyang takdang-aralin. Noong makita ko ang kanyang takdang-aralin, tumawa ako nang ubod nang lakas dahil napakadali lamang nito. Isang araw, habang kami ay nagkaklase, bigla akong nagkamali sa pagbaybay ng isang salita. Nalaman ng bata ang pangyayaring iyon at tumawa. Maya-maya lang nagsitawanan na ang aking mga kamag-aral. Labis akong napahiya at umuwi akong mapula ang mukha. Sa karanasang ito, nalaman ko na kung ayaw mo gawin ng kapwa mo ang isang masamang gawain, respetuhin mo nang tama ang tao at huwag kang gumawa ng kasamaan sa kanya. •§•

Salu-salo, Sama-sama sa Saya Dapat lagi tayong nasisiyahan sa buhay at dapat din marami tayong kaibigan upang magsaya at magtulungan sa isa’t isa. Noong salu-salo, ako at ang aking mga kaibigan ay nagkita sa aming silidaralan. Nang dumating na kaming lahat, bumaba na kami para makabili ng tickets para sa rides at parlor games. Noong natanggap na namin ang mga ito, dumiretso kami sa Caterpillar at sinakyan namin ito. Ang bilis ng galaw nito kaya ang saya naming lahat. Sunod, sinakyan namin ang ferris wheel. Huminto ito sa mataas na lugar kaya biglang nasuka ang aking kaklase. Binili ko siya ng tubig at kaming lahat ay tumawa. Pagkatapos naglaro kami ng parlor games. Lahat kami ay nanalo ng laruan. Sa salu-salong ito, talagang nasiyahan ako at ang aking aking mga kaibigan dahil marami kaming ginawa na magkasama kaming lahat. •§• David Gerochi | 6-Jacinto

Anselmo Jose Ledesma | 6-Del Pilar

Magis Kahit sa mga Simpleng Gawain Isa sa pinakagusto kong gawin sa Araling Panlipunan ay ang Collage. Sa unang araw na sinabi ni Bb. Perez ang tungkol sa collage, galak na galak ako. Pag-uwi ko, pumunta ako sa National Bookstore para sa mga kagamitan na kakailanganin ko. Sa sumunod na araw, ibinigay na ang mga tsinelas. Nagulat ako dahil ganoong tsinelas pala ang aming lalagyan ng disenyo. Sa unang tingin ay napakadali pero ito pala ay



•§• •§•

napakahirap dahil sa kakulangan ng oras. Noong ako ay tapos na, nakita ko ang magandang disenyo ni Cocoy. Napag-isipan ko na gandahan ko pa ang aking gawa. Bumili ulit ako at naghanap ng mga dekorasyon. Dahil dito ay natuto ako na huwag pumayag na “tama lang” pero gawin ang pinakamakaya mong gawin. Napagkalooban din ako ng Magis Point para rito dahil “magis” ang aking ginawa. Dahil din sa aking pagsisikap ay nakuha ang aking proyekto para sa isang eksibisyon na ikinatuwa ni Bb. Afable. •§• Albert Surposa | 6- Lopez Jaena

Pagpapasalamat at Paghihirap para sa Pangarap Laging sinasabi sa akin ng mga magulang ko na kung paghihirapang makuha ang isang bagay, ito ay makakamit. Totoo kaya ito? Gustung-gusto ko talagang makapasok sa Ateneo Varsity Team ng baseball. Noong bakasyon ay nag-ensayo ako nang mabuti para makapasok ako sa team. Sumali pa ako sa isang baseball clinic na kung saan ako ay tinuruan ng tamang pagpalo, pagbato at pagsalo ng bola. Nang matapos ito, hindi pa rin ako nakuntento dahil gusto ko pang maging bihasa sa pagpalo, pagsalo at pagbato ng bola para makasiguro akong makapasok. Nang araw para sa

try-outs, nagdasal ako na tulungan ako ni Hesus at maalala ko ang lahat ng tinuro sa akin. Magagaling ang mga kasama ko sa try-outs kaya humina ang aking loob pero bigla kong naalala ang sinabi sa akin ng mga magulang ko. Nakita ko ang papel na kung saan nakalagay ang mga nakapasok at natuwa ako sa aking nakita. Pinasalamatan ko ang Panginoon sa tulong na binigay Niya sa akin. Natutunan ko na kung may gusto kang matupad o makuha, kailangan mo itong paghirapan. •§• Loudrei Mikhail Lee | 6-Luna

Perpekto, Perpekto, Perpekto, Kayang-kaya Ko! Ako ay nagpakabuti sa isang gawain noong gitnang bahagi ng Unang Kapat. Sinabi ng guro ko na bagsak na ako sa Filipino kaya naman sinabi kong “Pagbubutihin ko po ang mga susunod pang pagsusulit upang tumaas ang aking grado.” Ako ay nag-ensayo nang mabuti at hindi tumigil kahit pa inaantok na ako. Tuluyan akong nag-aral. Dumating ang unang pagsusulit at ginamit ko ang lahat ng aking naaral sa pagsusulit na iyon. Noong binalik na sa amin ang pagsusulit, nakakuha ako ng dalawang mali lamang. Sinabi ko “Kaya ko pang maging perpekto!” Ako ay nag-aral muli para sa pangalawang huling pagsusulit para sa Kapat na iyon. Pagdating ng pagsusulit, ako ay nag-isip nang mabuti at ako ay nakakuha ng isang mali na lang. Sinabi kong muli sa sarili ko, “Perpekto, perpekto, perpekto! Kaya ko ang Perpekto!” Ang huling pagsusulit ay KISLAP kaya nagensayo ako nang mabuti. Laking tuwa ko nang perpektong iskor ang nakuha ko! Natutunan ko na para makuha ang gusto, kailangang maghirap talaga at isipin na makakakayanan ang pinakamahusay. “Perpekto!” •§• Hans Vergel de Dios | 6-Luna

Ipinamulat sa Katotohanan ng Isang Batang Bulag

Ang pagiging tao para sa kapwa ay mahalaga dahil inutos ito ng Panginoon. Nakaranas ka na ba maging tao para sa kapwa? Ito ang aking karanasan. Papunta ako sa eskwelahan nang nakakita ako ng batang hindi makakita. Naawa ako sa kanya dahil mahirap na siya at hindi pa makakita. Napakaswerte ko talaga

na hindi ako bulag. Nag-isip ako muna kung bibigyan ko siya ng pera o hindi. Sa una, ayaw kong magbigay ng pera ngunit nagpalit ako ng isip at binigyan ko siya. Naging masaya ako dahil tumulong ako sa mahirap. Natutuhan ko na masaya ang magbigay dahil pinapangiti mo ang mahirap. •§• Enzo Abastillas | 6-Mabini



•§• •§•

Susi sa Buhay na Matagumpay Naniniwala ako na ang tiwala sa sarili ay isang susi sa buhay na matagumpay. Noong bakasyon, sumali ako sa isang paligsahan ng chess sa Barangay Magallanes. Sinali ako ng aking tita dahil alam niya na ako ay isang magaling na manlalaro ng chess. Ito ang unang pagkakataon kong sumali sa isang kompetisyon ng chess kaya kinabahan ako. Ngunit, naging mapagsuporta ang aking magulang at sinabi nila na gawin ko ang kakayanin ko. Sa araw ng paligsahan, nilabanan ko ang aking takot at pinaghusayan ko ang bawat laro. Sa wakas, nanalo ako sa kompetisyon. Sa parangal ng mga kampeon, pinuri ako ng namahala ng paligsahan. Doon nakita ko ang kampeon ng Seniors’ Division at nakipaglaro ako sa kanya. Sa gulat ng iba, natalo ko siya. Umuwi ako na pinakamagaling na manlalaro ng chess sa buong Magallanes. Natutunan ko na kung may tiwala ka sa sarili, magagawa mo ang kahit ano. •§•

Biyaya ang Bahay Lahat tayo ay may ginagawang kontribusyon para makatulong sa kapwa. Pwede tayong maglinis ng bayan at pwede rin nating tulungan ang mga taong may problema. Noong nakaraang taon, ako ay sumali sa charity na makatutulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay ng tahanan. Sa una kong araw, nalaman ko kung ano ang kailangang kong gawin. Kailangang kong magpinta ng mga pader para sa gawain. Sa loob ng dalawang buwan ko pinagbutihan at pinaghirapan ang aking gawain. Sobrang saya ko dahil nakatulong ako sa kapwa. Sa karanasang ito ko lamang nalaman na ako ay swerte na magkaroon ng bahay. Kaya naman nais kong ipadama sa iba ang biyayang ito ng Maykapal. Sana makatulong din kayo sa kapwa. •§• Lorenzo Osi | 6-Tandang Sora

Lorenzo Marquez | 6-Malvar

Ateneo Math Olympiad Lahat tayo ay nahihirapan sa isang bahagi ng ating buhay. Kailangan lang nating magtiwala sa ating sarili at magagawa rin natin ito. Noong Pebrero 2008, nagkaroon ng isang pangkatang paligsahan ang mga mag-aaral na sumali Ateneo Math Olympiad. Naging kasama ko ang dalawang mag-aaral na nasa ikaanim na baitang at isa naman mula sa ikapitong baitang. Naglakad kami sa entablado ng Irwin Theater kung saan nakaupo ang iba pang kalahok at nagsimula na rin ang paligsahan. Ipinakita sa amin ang una at



•§• •§•

ikalawang grupo ng mga tanong at mabilis namin itong nasagot dahil madadali lamang ang mga ito. Pagkatapos, ibinigay sa amin ang ikatlong grupo ng mga tanong at natagalan kami dahil medyo mahirap. Natagalan kami sa pagsagot ngunit natapos din namin ito. Tuwang-tuwa kami nang sinabi na kami ang nanalo sa ikalawang pwesto. Natutunan ko sa araw na iyon na walang imposible basta’t magtiwala ka sa iyong sarili. Tuwang-tuwa ako sa araw na iyon dahil nagtiwala ako at iyon ang dahilan kung bakit ako nanalo. •§• Niccolo Rabago | 6-Rizal

Masunurin sa Magulang

Palarong Pambansa

Isang mahalagang aral ang natutunan ko sa pagpasok ko rito sa Ateneo. Hindi ako nadalian sa mga unang taon ko rito sa Ateneo kaysa sa dati kong paaralan. Nahirapan akong intindihin ang mga aralin na tinuturo sa akin. Nahirapan akong sagutin ang aking mga pagsusulit. Pinayuhan ako ng aking nanay dahil dito. Sinabi niya sa akin na hindi talaga magiging madali ang aking pag-aaral kung hindi ko ito pagbubutihan. Kailangan ko raw magsikap at magtiyaga sa aking pag-aaral. Sinabi rin ng aking nanay na hindi ako madadalian dito kung tamad naman akong mag-aral at kung halos hindi ko raw ito pinaghihirapan. Matapos akong pagsabihan, sinunod ko ang mga sinabi ng aking nanay. Nag-aral na ako nang mabuti at hindi na ako naging tamad. Nakinig na ako nang mabuti sa aking guro at nagsikap akong nagbalik-aral. Nang ginawa ko ang lahat ng sinabi ng aking nanay, nakita ko na hindi na ako gaanong nahihirapab sa aking pag-aaral. Natutunan ko na dapat akong makinig at sumunod sa mga payo ng aking magulang para magawa ko ang tama at makaiwas sa panganib. •§•

Laging sinasabi ng aking mga magulang sa akin na “kapag pinagbuti ko ang mga ginagawa ko, walang makapipigil sa akin na abutin ang tagumpay.” Pinagbuti ko ang aking paglalaro sa isport ng football kaya nakapunta ako sa Palarong Pambansa. Noong buwan ng Marso, nalaman ko na makakasama ako sa Palarong Pambansa. Sa una naming pagkikita, nagkakilala kaming lahat at hindi nagtagal, naging magkaibigan na kami. Hindi naging madali ang aming pag-eensayo para sa paligsahan. Napapagod kami araw-araw. Marami kaming isinakripisyo para maging handa kami para sa Palarong Pambansa. Pinagbawalan kaming kumain ng matatabang pagkain at uminom ng softdrinks. Pagkalipas ng isang buwan, kami ay naging handa para sa Palarong Pambansa. Nanalo kami ng Ikalawang Puwesto dahil pinagbuti namin ang isang gawain at pinaghandaan namin ito. •§•

Julian Noel Velasco | 6-Tandang Sora

N. Lorenzo Obeso | 6-Bonifacio

Paligsahan na sa Pagbasa at Pagbigkas! Nalalapit na naman ang mga paligsahan sa Pagbasa at Pagbigkas kaya puspusan na ang pageensayo ng mga guro sa kanilang representatibong lalahok. Habang ginagawa ang magasing ito, naabutan namin si Gng. Dimalanta sa kanyang paglilinang sa kagalingang pangkomunikasyon sa Filipino ng kanyang mga mag-aaral na kalahok. Isa na naman itong pagkakaton upang maipamalas ang galing ng Atenista sa pagbigkas ng Pambansang Wika! Nakasasabik nang mapanood! :-)



•§• •§•

Salamat po kay Gng. Dimalanta sa pamimili ng mga talatang ito.

Lakas at Tibay ng Loob

Paghatak sa Kapwa Pataas

Noong ako ay nasa Ikaapat na Baitang, nakaranas ako ng isang sakuna na kinailangan talaga ng lakas at tibay ng loob. Ako ay miyembro ng Basketball Club noong panahong iyon. Dahil Activity Club Day noon ay masaya akong pumunta sa open courts para maglaro ng basketbol. Nang nagsimula na ang laro ay hinabol ko ang aking kalaban at sinubukang agawin sa kanya ang bola. Pareho kaming nadapa. Nang ako’y nahulog ay bigla na lamang sumakit ang aking kamay at nahirapan akong huminga. Agad akong sinamahan ng aking kaibigan sa Infirmary at doon ko nalaman ang masakit na katotohanan. Sinabi ng doktor na nabali ang aking kamay at kinailangan na akong isugod sa ospital para malagyan ng cast. Dumating na ang aking mga magulang at pumunta na kami sa isang ospital sa Marikina. Nang dumating kami sa ospital, nilagyan na nga ako ng cast at ako’y magiyak-ngiyak dahil sa sakit ng aking mga kamay. Kami ay umuwi nang matapos akong lagyan ng cast. Kinabukasan nang ako’y pumasok sa eskwelahan ay nahirapan akong magsulat sa aking kaliwang kamay dahil hindi ako sanay magsulat dito. Lumipas ang anim na linggo na ganito ang nangyayari at tuluyan na ngang gumaling ang aking kamay. Sa wakas at bumalik na sa normal ang aking kamay. Natutunan kong kahit anong pagsubok ay kayang lampasan basta may tiwala sa sarili at tatag ng loob. •§•

Lahat tayo ay may taglay na kakayahan sa ating mga sarili upang tumulong at maglingkod sa ating mga kapwa-tao. Bagaman ito ay mahirap at hindi dagli-dagliang naipapakita, binigyan tayo ng Panginoon ng iba’t ibang talento upang maging mga instrumento sa ating layuning tumulong sa ating mga kapwa. Noong nakaraang taon, nabigyan ako ng isang pagkakataong tumulong sa aking mga kamag-aral. Dahil malapit-lapit na ang mga mahahabang pagsusulit ng ikatlong kapat, naisip ng aking guro na bumuo ng isang study group sa Araling Panlipunan dahil marami ang nahihirapan sa araling iyon. Magtuturo sa mga nahihirapan sa paksang iyon ang mga nakakuha ng pinakamataas na iskor sa class standing. Binigay ko aking lahat upang matulungan ang kamag-aral. Ginawa ko ang aking makakaya upang mabawi ang kanyang mga mababang marka. Untiunting naging mahusay ang aking kamag-aral sa aming mga balik-aral. Nakakuha ang kamag-aral ko ng mataas na iskor sa mahabang pagsusulit at tumaas na muli ang kanyang mga grado. •§•

Matthew Mandanas | 7-Bellarmine

Paolo Gerard Jose | 7-Berchmans

Kabutihan sa Kapatid Nakatulong ka na ba sa iyong kapwa noon? Noong nasa Ikalimang Baitang pa lamang ako, nagkaroon ng outing sa kumpanya ng aking nanay kaya pumunta siya sa Cebu. Sa araw na umalis ang aking ina, nakita ko ang aking kapatid na nakaupo sa hagdanan. Basang-basa ang kanyang mukha sa luha nang naisip kong lapitan siya. Nang tanungin ko siya kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak, sinabi niya sa akin na ito ay dahil naaalala na raw niya ang aming ina. Nalulungkot din daw siya dahil hindi

•§•

10•§•

umuwi at matutulog sa bahay ang aming ina sa gabing iyon. Sinabihan ko na lamang siya na huwag nang umiyak dahil ang magiging resulta lamang ng kanyang pag-iyak ay ang pagkasakit ng kanyang ulo at tiyan. Naisip kong laruin na lamang siya para mapasaya ang aming araw. Nang umuwi na si inay, naging lubos na masaya na ang aking kapatid at pinasalamatan nilang pareho ako para sa aking ginawa. Napakaganda ng naging epekto sa akin ng karanasang iyon dahil natutunan kong kapag mayroong ginawang mabuti, mababawasan ang problema ng ibang tao. •§• Gerard Cotoco | 7-Xavier

Katatagan at Determinasyon Ang pagiging matatag ay isang mahalagang katangiang kailangan ng isang tao upang maging matagumpay sa buhay. Nalaman kong taglay ko ang katangiang ito at napatunayan ko kung paano ito kahalaga sa harap ng pagsubok. Noong nakaraang taon, sa Ikatlong Kapat, nakakuha ako ng mababang marka sa ilan sa mga asignatura. Sunud-sunod na dumating ang mga pagsusulit. Inakala ko na kaya ko pang makakuha ng mas mataas na grado. Pagkalipas ng ilang araw, ang ideyang ito ay nagdulot ng katamaran sapagkat naisip ko na magiging madali na ang mga susunod na pagsusulit. Hindi na ako nag-aral at sa halip ay naglaro na lamang araw-araw pagdating ko sa bahay. Nang matapos na ang lahat ng mga pagsusulit, ibinalik sa klase ang mga ito upang ipakita ang resulta. Nagulat

ako nang makita ko ang aking mga marka dahil napakababa ng nakuha ko sa ilan sa mga ito. Noon ko lamang nakita ang epekto ng aking katamaran. Kaya mula noon, nagsimula na akong mag-aral nang mabuti upang makabawi sa Kapatang Pagsusulit. Pagkatapos ng eksamen, ipinakita na sa amin ang aming nakuhang grado. Sa huling pagkakataon, nakakuha ako ng mataas at naging maganda ang aking huling marka. Sa karanasang ito, nakita ko ang tunay na kahalagahan ng pagiging matatag kahit sa harap ng pagsubok. Natutunan kong kailangan nating maging determinado at matatag upang makamit ang tagumpay. •§• Rafael Carlos Aniceto | 7-Canisius

Hindi Natinag ng Pagsubok

Kasiyahan sa Pagtulong

Bawat isa sa atin ay may pinagdadaanang pagsubok sa ating buhay. Ang isa sa hindi ko makalilimutang pagsubok ay naganap nang lumipat ako sa Ateneo. Tandang-tanda ko pa ang unang taon ko rito sa Ateneo nang tumuntong ako sa Ikalawang Baitang. Bagamat hindi ako nahirapang sumunod sa mga leksyon, may mga gawain pa ring naninibago ako. Isa na rito ang mga paglahok. Bago pa lang ako ay isinabak na agad ako ng aking guro sa Pagbasa. Magkahalong kaba at saya ang aking naramdaman sapagkat ito ang unang beses kong makipagtagisan ng galing sa isang paligsahan. Sa kabila ng matinding ensayo ay hindi ako nagwagi ngunit masaya na rin ako dahil naipamalas ko ang aking galing. Hindi man ako nanalo sa Pagbasa, nagawa ko namang makasama sa pararangalang estudyante sa katapusan ng bawat kapat. Dito ko naipakita na hindi ako magpapatinag sa anumang pagsubok na haharapin ko. Maliit man o malaki, magpapakatatag ako at sisikaping malapasan ang bawat problema. Sabi nga ng matatanda, kapag may tiyaga, may nilaga. •§•

Sa kasalukuyan, napakaraming taong nagkakaroon ng problema dahil sa iba’t ibang dahilan. Para sa akin, napakahalaga ang pagtulong sa aking kapwa sa kanilang mga problema. Lahat tayo ay nilikha ng Diyos. Noong nasa Ikaapat na Baitang ako, naging masaya ako dahil nakatulong ako sa isang bata. Habang kumakain ako ng merienda, may nakita akong batang umiiyak sa sahig. Lumapit ako sa kanya at tinanong ko siya kung bakit siya umiyak. Ayon sa bata, tumatakbo siya at biglang nahulog dahil madulas ang sahig. Lumapit ako sa kanya at tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak. Ayon sa bata, tumatakbo siya at biglang nahulog dahil madulas ang sahig. Dahil naawa ako, tinulungan ko siyang tumayo at dinala ko siya sa pagamutan ng paaralan. Nang nakarating kami sa pagamutan, naging masaya ang bata at nagpasalamat sa akin. Panghuli, nagpaalam na ako at tumakbo patungo sa silid-aralan. Pagkatapos ng karanasang ito, naging masaya ako dahil napakagandang gawain ang pagtulong sa kapwa. Natutunan ko rin na mahalaga ang pagtulong sa kapwa at ang tunay na kasiyahan ay mula sa pagtulong sa kapwa. •§•

Daniel Richard Bas | 7-Brebeuf

La Verne Espiritu | 7-Campion

•§•

11•§•

Katatagan sa Entablado

Pagharap nang Buong Tapang sa Unos

Naranasan mo na bang maging matatag kahit sa mga sandaling mayroon kang pinagdaraanang pagsubok? Naranasan ko na ito at hinding-hindi ko na ito malilimutan. Noong nakaraang taon, nagkaroon ng pagtatanghal para sa Pasko ang Ateneo Boys’ Choir na aking kinabibilangan. Talagang pinaghandaan namin ang pagtatanghal na iyon ngunit nalilito pa rin ako sa isang kanta at sa sayaw nito. Noong araw ng pagtatanghal, kinabahan ako dahil baka magkamali ako sa kanta at sa sayaw nito. Tama nga ang hinala ko dahil nagkamali ako sa pagkanta at pagsayaw ng kantang iyon. Halatanghalata ang aking pagkakamali kaya napahiya ako. Gusto ko na ngang umiyak sa entablado! Ngunit, nang makita kong nagkakamali rin ang aking mga kaibigan at nang matandaan ko na tayong lahat naman ay nagkakamali, nawala ang aking pagkahiya at nagawa ko pang mapangiti. Naging mas matatag ako sa mga sandaling iyon. Kumanta at sumayaw ako nang mabuti para mabawi ang nagawang pagkakamali. Dahil sa karanasang iyon, naging mas matatag ako sa entablado, sa KISLAP man, sa Balitaan, o maging sa mga paligsahan. Hindi ko hahayaang mabawasan ang aking katatagan dahil lamang sa isang pagkakamali. •§•

Naranasan mo na ba na maging matatag sa gitna ng isang pagsubok? Sa isang suliranin ay naipakita ko ang pagiging matatag sa pamamagitan ng pagsisikap. Noong ako ay nasa Ikaanim na Baitang, ang mga grado ko sa Unang Kapat ay hindi maganda. Noong panahong iyon, nahirapan akong mag-aral dahil bagong estudyante lang ako sa Ateneo. Pinagsabihan ako ng aking magulang na mas pagbutihin ko pa ang aking pag-aaral dahil ako naman daw ang makikinabang doon. Sa mga unang araw ng Ikalawang Kapat, may mga bagsak ako na marka sa ibang asignatura. Ako ay nagulat at naalarma dahil baka mababa ulit ang aking mga grado para sa Ikalawang Kapat. Bawat araw, lahat ng aming mga tinatalakay ay aking binabalikan. Sa mga sumunod na araw, naging mas maganda na ang mga resulta ng aking pagsusulit. Ipinagpatuloy ko ito at nang makita ko ang aking mga grado para sa Ikalawang Kapat, ako ay nasiyahan dahil mas matataas na ito kung ihahambing sa nakaraang kapat. Aking natutunan na sa gitna ng pagsubok, huwag na dapat hintayin ang panahon na malapit ka nang matalo. Dapat ay magsikap at gawin ang makakaya upang malampasan ang hinaharap na unos. •§•

Dan Oliver Barcarse | 7-Claver

James Manuud | 7-De Britto

Handog na Galing sa Puso Noong nakaraang taon, nahiligan ko ang paggitara. Pumasok ako sa isang eskwelahang nagtuturo nito. Pagkalipas ng ilang linggo ay marunong na akong maggitara. Nalaman kong mahilig pala rito ang isa kong kaibigan. Inalok ko siyang tumugtog kasama ko ngunit nalungkot siya at sinabi sa aking wala naman siyang gitara. Nakikihiram lang daw siya nito. Doon ako nagdesisyong bumili ng gitara para sa kanya. Gamit ang sarili kong pera ay ibinili ko siya nang sarili niyang gitara. Pagkakita niya nito ay agad-agad niya

•§•

12•§•

akong pinasalamatan. Agad din niyang pinatugtog ang bagong gitara. Ngunit hindi lamang siya ang natutuwa nang mga sandaling iyon dahil ako rin ay natuwa para sa kanya. Noong gabing iyon, inisip ko ang mga nangyari at napangiti ako. Sa loob ko’y naisip kong kahit mga simpleng bagay lamang ay magpapsaya sa isang tao kung ito’y galing sa puso. •§• Raphael Dial | 7-Regis

Pagpapakita ng Kakayahan ng Pilipino Bilang mga Pilipino, alam nating dapat mahalin ang bansang Pilipinas. Kahit na kasapi tayo ng kompetisyon o pagtitipon, dapat ipakita natin na ipinagmamalaki natin ang ating bansa. Nagawa ko ito nang pumunta ako sa Singapore para sa South East Asian Youth Baseball and Softball Tournament o SEAYBST. Noong nakaraang Abril, napili ako bilang miyembro ng Manila Juniors Baseball Team na pupunta sa SEAYBST. Kinabahan ako dahil ito ang

Lahat ng Aking Makakaya

unang beses kung saan kinatawan ako ng Pilipinas sa isang paligsahan. Pagdating namin sa Singapore nakita namin ang malalaking kalaban namin. Ngunit, hindi kami natakot dahil gusto naming ipakita ang katatagan ng Pilipino. Kahit na kami ang tinatawag na “underdog” nakapasok kami sa finals laban sa Hong Kong na wala pang talo. Kahit na mas malaki at maskulado sila, mahigpit ang labanan hanggang natalo kami. Kahit na Ikalawang Puwesto lamang kami, nanalo pa rin ng Over-all Championship ang delegasyon ng Maynila at iwinigayway namin ang aming bandila. Dahil sa karanasang ito, alam kong dapat talagang mahalin natin ang bansa. Sa pagkapanalo namin, naipakita rin ang kakayahan ng Pinoy. •§• Kevin Villa | 7-Pignatelli

Sipag at Tiwala sa Diyos

Lahat naman ng tao ay nahaharap sa isang pagsubok. Maging ako ay may karanasan kung saan ako’y naging matatag sa isang matinding pagsubok. Noong ako’y nasa Ikaanim na Baitang, ako ay napili para maging kalahok sa isang paligsahan para bigyang parangal ang Mababang Paaralan ng Ateneo. Ang paligsahang ito ay ang pagkwento sa mga bata ng kwentong Filipino. May kasama din akong dalawa pang mag-aaral mula sa Ikalimang Baitang. Matagal pa ang paligsahan ngunit kami ay nag-ensayo na sa pamumuno ni Gng.Dimalanta. Halos araw-araw kaming nag-eensayo. Nang dumating ang araw ng paligsahan, kabadong-kabado kaming lahat. Nagsimula na ang paligsahan ngunit sa kasamaang palad, unang round pa lamang ay natanggal na ang isa kong kasama. Kaming dalawa naman ng aking kasama ay nakapasok sa final round. Sa mga oras na iyon, ako ay talagang naging matatag ngunit hindi ako pinalad na manalo. Subalit, masaya pa rin naman ako dahil nanalo naman ang isa kong kasama sa paligsahan. Sa pangyayaring ito, naipakita ko ang aking katatagan sa mga oras ng mga pagsubok. Kahit ako’y natalo sa paligsahan, mabuti pa rin ang naramdaman ko dahil alam kong binigay ko naman ang lahat ng aking makakaya at ako’y naging matatag. •§•

Kailangan nating maging matatag sa harap ng pagsubok. Kung hindi tayo matatag ay hindi natin ito malalampasan. Noong ako’y nasa Ikalimang Baitang, ako ay napili na maging kalahok ng aming klase para sa Paligsahang Pagbasa. Noong una ay kinabahan ako dahil hindi ko inakalang magiging kalahok ako. Nagensayo ako para sa Pagbasa kasama ang aking guro nang sa gayon ay mabawasan ang kaba ko at humusay ako sa pagbasa sa Filipino. Pagdating ng araw ng paligsahan ay nagdasal ako sa Diyos at humingi ng tulong. Umakyat ako sa entablado at binasa ang kwento nang malinaw noong pagkakataon ko na para magbasa. Pagkatapos ay umupo ako sa silya upang making naman sa iba pang kalahok. Sinimulan na tawagin ang mga nanalo. Narinig ko ang aking aking pangalan bilang nagwagi sa Ikatlong Puwesto. Nagtatalon ako sa tuwa. Umakyat ang aking mga magulang sa entablado para isabit sa akin ang aking medalya. Natutunan ko na sa sipag, tiyaga at tiwala sa Diyos ay malalampasan natin ang kahit anong pagsubok. •§•

Joseph Arellano | 7-Gonzaga

Jose Luis Manglallan | 7 - Kostka

•§•

13•§•

Sumulat ang mga mag-aaral ng Ikaanim na Baitang ng tiyak na pamamaraan kung paano ipinapakita ang pagmamahal sa bayan. Ipinaliwanag din nila kung paano ito nakatulong sa ating bansa. Jefferson Galban | 6-Abad Santos Ang simpleng paglinis sa ating kalikasan ay isang paraan na ng pagpapakita ng pagmamahal sa ating bansa. Kapag ang isang bansa ay malinis (magkakahiwalay ang basura, walang basura sa kapaligiran, atbp.), ito ay makatutulong sa paglaban sa Global Warming. Ako ay magsisikap makatapos sa pag-aaral at maging doktor na maglilingkod sa Pilipinas, ang aking bansa. Kapag ako ay nakatapos ng pag-aaral, ako’y magiging manlilingkod sa bansa. Gagawin ko ang aking makakaya upang mas bumaba ang bilang ng mga taong may sakit. Kung ako ay magiging tanyag na doktor, taas noo kong sasabihin at ipagmamalaki na ako ay isang Pilipino. Mahal ko ang aking bansa at dahil dito, gagamutin ko ang mga kapwa ko Pilipino. Kyle De Dios | 6-Abad Santos Lagi kong gagamitin ang wikang Filipino. Kapag ginagamit ko ito, alam ng mga tao na ako’y Pilipino at masaya ako dahil dito. Lalaruin ko ang mga larong Pilipino tulad ng Patintero at Tumbang Preso. Kapag ako’y naglalaro ng mga ito, nakikibagay ako sa klima at topograpiya ng Pilipinas. Ipinapakita ko na kahit mainit ang klima, masaya pa rin ako. Ako ay nasa Pilipinas at ako ay isang Pilipino. Carlo Miguel Perez | 6-Jacinto Ako ay magtatanim ng mga puno. Ito ay para sa mga susunod na henerasyon. Tuturuan ko ng wikang at gawaing Filipino ang

•§•

14•§•

aking mga anak. Ito ay upang maituro niya ito sa kanilang mga magiging pamilya. Kapag pumasyal sila sa ibang bansa, makikilala sila bilang mga Pilipino dahil sa mga Pilipinong galaw na ipagmamalaki. Miguel Ortega | 6-Jacinto Maipapakita ko ang pagmamahal sa aking bayan sa pamamagitan ng pagbibili ng mga produktong gawa sa Pilipinas. Nakatutulong ito sa ating bansa dahil ang pagbili ng mga produkto galing sa ibang bansa ay tulong lamang sa ibang ekonomiya. Kaya kung gusto nating mapaganda ang ekonomiya, tayo ay bumili ng mga produkto ng Pilipinas. Ako ay puwedeng ipakita ang pagmamahal ko sa aking bayan sa pamamagitan ng pag-aral nang mabuti. Ito ay nakatutulong sa ating bansa dahil ang mga kabataan ang bayani sa hinaharap. Kung ang mga kabataan ay hindi mag-aaral nang mabuti, walang mangyayaring maganda sa ating bansa. Carlos Cabaero | 6-Luna Isang paraan ng pagmamahal sa bayan ang pagbili ng produktong Pilipino. Ipinapakita nito ang ating pagmamahal sa Pilipinas dahil tinutulungan natin ang ekonomiya ng ating bansa. Isa ring paraan ay pag-aaral tungkol s a bansang Pilipinas. Makatutulong ito dahil malalaman natin ang maganda at di-magandang pangyayari sa bansa at ang dahilan kung bakit nangyari ito. Kapag alam natin ito, balang araw makatutulong tayo sa bansa nang mas mabuti at mas kaunti ang magagawa nating mali.

Jude Francis Rebosa | 6-Tandang Sora

Lorenzo Silva | 6-Malvar

Magsasalita ako sa wikang Pilipino dahil makatutulong ito. Kapag mas maraming Pilipino ang marunong magsalita ng wika ng bansa natin, mas mapatutnayan natin sa ibang bansa na nagkakaisa tayo sa pagsalita at pagmahal sa Pilipinas. Itatapon ko ang basura sa tamang lalagyan. Kapag nagawa ko ito nang mabuti, makatutulong ako sa pagbawas sa Global Warming at lalong magugustuhan ng mga dayuhan ang bansa natin dahil malinis at maganda ito.

Bilang isang bata, aalamin ko ang aking pambansang awit. Kakantahin at sasabihin ko ito nang buong puso dahil ito ay parangal sa watawat na ikinamatay ng ating mga bayani. Aalamin ko ang aking kasaysayan dahil isang Pilipino ako at mahal ko ang Pilipinas. Ako ay magbabasa tungkol sa kasaysayan dahil mahal ko ang aking bansa at maraming namatay para sa ating kalayaan.

Creo Baylon | 6-Malvar Hindi lumilisan sa bayang pinagmulan. Kahit gaano na kahirap ang ating bansa, dapat magtiwala tayo sa gobyerno na ayusin ang mga problema. Hindi tayo umaalis dahil alam natin na kaya ng gobyerno na iahon tayo sa kahirapan. Pagsabi sa mga hindi sumusunod sa batas. Dapat ipahayag ang gumagawa ng mali sa pulis. Gagawin natin ito hindi para sa pera subalit para maayos natin ang mga pagkakamali ng kapwa Pilipino.

Jolo Pascual | 6-Tandang Sora Isang paraan para mapakita ko na mahal ko ang Pilipinas ay sa pamamagitan ng pagbili ko ng mga produktong gawa sa Pilipinas. Sinabi ko ito dahil kapag bumili ka ng mga produkto sa Pilipinas, para na rin itong pagmamahal sa bansa. Ang isa pang paraan ay ang pagtulong ko sa mga proyekto ng pagpapaganda ng bansa. Sinabi ko rin ito dahil kapag gumanda ang Pilipinas, mas maraming dayuhan ang pupunta. Kapag nangyari ito, dadami na ang pera natin sa paggawa ulit ng proyekto sa pagpapaganda ng ating bansa.

Salamat po kay Gng. Gargaritano sa pamimili ng mga sagot na ito.

•§•

15•§•

Kapayapaan, Bigyan Natin Ng Pag-asa Alam mo bang ang buwan ng Setyembre ay napakahalagang buwan para sa ating lahat? Sa buwang ito ipinagdiriwang ang International Day of Peace kada taon sa pagbubukas ng regular na sesyon ng United Nations General Assembly. Ngayong taon, ang General Assembly ay magbubukas nang ika-16 ng Setyembre. Ano nga bang kahulugan ng kapayapaan? Masasabi nating payapa ang isang bansa, lipunan o lugar na walang gulo, walang giyera o walang hidwaan. Masasabi rin nating may kapayapaan kung may katahimikan. Subalit alam mo bang ang kapayapaan ay tunay na nararamdaman kung may pagtutulungan ang bawat tao, kung may pagpapatawad sa pagkakasala ng bawat isa, kung ginagalang ang karapatan ng tao, kung nararanasan ng mga tao ang kalusugan at kung may matibay na samahan ang bawat iswa bagaman magkakaiba? Lahat ng tao saanmang sulok ng mundo ay umaasam ng kapayapaan. Ang pagkakatatag ng United Nations o Samahan ng Nagkakaisang mga Bansa noong 1945 nang magtapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pagpapatunay ng kagustuhan ng lahat na magkaroon ng kapayapaan sa daigdig. Sa pamamagitan ng UN, nilayon ng bawat bansa na papaghariin ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagtutulungan, paggalang sa bawat isa at kooperasyon. Sa kasalukuyan, nahaharap sa matinding pagsubok ang kapayapaan hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong daigdig. Patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis, ng malawakang kahirapan, diskriminasyon, paglabag sa karapatang pantao, paglalaban ng

magkakatunggaling grupo sa iba’t ibang bansa at higit sa lahat, ang pagsabog ng digmaan iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ngayon, higit kailanman, kailangang pag-ibayuhin pa ng bawat isa ang pakikibaka para sa pagkakaroon ng kapayaan. Ang ating henerasyon ay papasok na sa Digital Revolution. Nagtagumpay na tayo sa paglikha ng magkaparehong specie sa pamamagitan ng cloning. Nakalikha na tayo ng mga cyborgs na maaaring makapagpagaan ng ating mga gawain. Nakaiimbento na rin mga medical robots na makagagamot ng iba’t ibang sakit sa pamamagitan ng paggamit ng Nano Technology. Lumiliit ang mundo sa pamamagitan ng patuloy na globalisasyon. Magkakalapit na ang bawat bansa sa pamamagitan ng mas moderno at makabagong komunikasyon at teknolohiya, subalit mas dapat pagibayuhin ng tao ang pagpapatibay ng relasyon ng bawat isa. Ngayon higit sa anumang panahon, nararapat na palakasin ang pundasyon ng ating mga lipunan kung saan iginagalang ang karapatan ng bawat isa. Ngayon higit kailanman, nararapat na ibalik ang pagpapahalaga sa buhay kaysa sa anumang bagay o puwersa. Ang mabuhay sa isang payapang kapaligiran ay karapatan ng bawat tao. Ang pagtamasa sa mga karapatan ay nagbibigay ng kaganapan sa ating pagkatao. Kung ang karapatang ito ay maglalaho, unti-unti ring mawawalan ng saysay ang ating daigdig kaya ngayon higit kailanman, kailangang bigyan ng daan ang kapayapaan. ni Bb. Maria Elisa P. Afable

Mga Guro sa Araling Panlipunan sa Pamumuno ng May Akda •§•

16•§•

Pilipinas Kong Mahal! A n o nga ba ang kahalagahan ng pagiging makabayan, matapat at mapagmahal sa sariling bansa? Bakit ba sadyang ang kahalagahan nito ang magdadala sa atin sa kalagayang tayo ay maunlad at mapayapa na? Ang pagkanta nang maayos at may buong puso’t isipan ng Lupang Hinirang o Marcha Nacional Filipina ay isa ng tiyak na halimbawa o paraan ng pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa ating bansang Pilipinas. Kung ating babalikan ang kasaysayan, ang Lupang Hinirang ay unang tinugtog sa Kawit, Cavite noong ika-12 ng Hunyo 1898, araw ng pagdedeklara ng kasarinlan ng Pilipinas. Ang lumikha ng tugtog ay si Jose Palma at titik naman ni Julian Felipe. Ang iwinagayway sa araw na iyon ay ang watawat ng Pilipinas na ginawa nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza. Marapat lamang na ipagmalaki ang ating bansa! Nakasaad nga sa Lupang Hinirang, “LUPANG HINIRANG, DUYAN KA NG MAGITING, SA MANLULUPIG, ‘DI KA PASISIIL” na ang tinutukoy ay ang mga Pilipinong nagbuwis ng kanilang buhay para lamang makamit ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga mananakop na Espanyol, Amerikano at Hapon. Ang ilang mga bayani ng kasaysayan ay sina Andres Bonifacio, isa sa mga nagsimula ng KKK o Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan at si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani na talaga namang naging inspirasyon ng mga mamamayang Pilipino na itaguyod at ipaglaban ang karapatan, karunungan, kasarinlan at kalayaan ng Pilipinas. Isa sa mahahalagang elemento ng isang bansa ang pagkakaroon ng sariling pamahalaan kaya naman dapat nating balikan at pag-isipan muli ang mga pamahalaan mula sa pamumuno ni Pangulong Emilio Aguinaldo noong taong 1898 hanggang sa kasalukuyan na pinamumunuan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Makulay talaga ang kasaysayan ng Pilipinas! Ang pagpunta at pagmamalaki sa mga magaganda at makasaysayang pook ng Pilipinas ay isa ring pagpapakita ng pagiging tunay na Pilipino. Mga halimbawa nito ang Bulkang Mayon at Simbahan ng Barasoain sa Luzon, Krus ni Magellan at

Chocolate Hills sa Visayas at Bundok Apo, Rizal Shrine sa Mindanao. Tunay ngang napakahalaga ang pagmamalaki sa mga lugar na ito para hindi makalimutan ng mga tao! Ang lahat ng ito ay nakapaloob sa teritoryo ng Pilipinas. Ang ating bansa ay ikalawa sa pinkakamalaking arkipelago sa buong mundo kasunod ng bansang Indonesia na dapat nating ikamangha. Binubuo ng 1,707 na kapuluan ang ating bansa na nahahati sa Luzon, Visayas at Mindanao. Ang Pilipinas ay binubuo ng 16 na rehiyon at may 81 na lalawigang nakapaloob sa ating teritoryo. Ang hangganan nito ay mula sa pulo ng Y’ami sa lalawigan ng Batanes hanggang sa pulo ng Saluag sa Tawi-Tawi. Matatagpuan ang mga rehiyon ng Ilocos, Lambak ng Cagayan, Gitnang Luzon, CAR o Cordillera Administrative Region, Timog Katagalugan na hinahati sa dalawa:CALABARZON at MIMAROPA, BICOL at ang Kalakhang Maynila o NCR na pinakasentro ng buong bansa. Makikita naman sa Visayas ang mga rehiyon ng Kanlurang Visayas, Gitnang Visayas at Silangang Visayas. Sa Mindanao naman matatanaw ang mga rehiyon ng Zamboanga, Hilagang Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, CARAGA at ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao. Dapat lamang na maipamulat sa bawat Pilipino ang mga lugar sa Pilipinas. Mahalaga lamang na magkaroon ng karapatan na dapat ay suklian naman ng paggawa ng tungkulin. Lalo pa nating maipagmamalaki ang ating pagiging Pilipino sa paraan ng pagsunod sa batas ng pamahalaan sapagkat magkakaroon lamang ng ganap na kapayapaan at kaayusan sa isang bansa kung may umiiral na batas na may sinusunod na palutuntunan. Sa ating bansa, ito ang Saligang Batas o Konstitusyon ng 1987. Ang nag-apruba nito ay si Pangulong Corazon Aquino noong 1986. Ang ating bansa ay kinikilala bilang Republika ng Pilipinas. Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang bansa at may tinatamasang mga karapatan na naaayon sa batas internasyunal. Isa na rito ang pagkakaroon ng kapangyarihan na mapamunuan ang sariling bansa. May apat na elemento na tinukoy ang batas internasyunal kung ang isang bansa o estado ay isang malayang bansa at walang nagdidikta sa kanila. Ang mga ito ay pagkakaroon ng teritoryo, pagkakaroon

ng mamamayan sa lipunan, may sariling pamahalaan at may natatamasang soberanya. May mga kasunduan at dokumentong nagpapatunay na pagmamayari ng Pilipinas ang teritoryo nito tulad ng Atas ng Pangulo Blg.1596 at UNCLOS o United Nations Convention on the Law of the Sea. Ang teritoryo ng Pilipinas ay nakasulat din sa Saligang Batas at may mga insular at bisinal na nakapaligid dito. Nakapaloob din sa konstitusyon ang mga karapatang dapat matamasa ng mga mamamayan. Dapat sa anumang kadahilanan, mabigay pa rin ang mga karapatan ng mga tao lalung-lalo na ang mga karapatang personal at napakahalaga sa bawat isa sa atin. Ang paggawa ng tungkulin ay napakahalaga sa bawat isa sa atin sapagkat may epekto ito sa kaunlaran ng buong bansa. Ang konsepto ng pandarayuhan at populasyon ay may kaugnayan din sa pagkamamamayan. Ang pamahalaan ng Republika ng Pilipinas ay may mga tungkulin na dapat gampanan. Ang ating pamahalaan ay nahahati sa tatlong sangay:Lehislatura o Tagapagbatas, Ehekutibo o Tagapagpaganap at Hudikatura o Tagapaghukom. Mayroon din tayong mga ahensya o kagawaran ng pamahalaan na tumutulong sa pangangailangan ng bawat mamamayan katulad ng Kagawaran ng Edukasyon at Kagawaran ng Kalusugan. Ang pinakahuli ngunit pinakamahalagang elemento ng isang estado ay ang soberanya. Ang soberanya ay napakahalaga dahil ito ang nagbibigay-buhay sa bansa sapagkat dito, ang batas ay nanggagaling talaga sa pamahalaan ng sariling bansa at hindi ng ibang nasyon. Marahil ay may teritoryo, mamamayan at pamahalaan ang isang bansa ngunit walang soberanya, hindi pa rin buo ang pagiging mapayapa at malaya ng isang bansa. Ang Pilipinas sa ngayon ay may soberanya na. Ang soberanya ay mahahati sa dalawa:panloob at panlabas. Mayroon ding mga karapatan na tinatamasa ang ating bansa katulad na lamang ng pantaypantay na pagkilala. Maipagmamalaki natin ang ating bansa kung nagtataglay ng mga elementong ito!

sundan sa pahina 19

•§•

17•§•

Amerikanong Ipinagmamalaki ang Pagka-FIlipino Ang aking pagkamamamayan ay Amerikano pero ipinagmamalaki ko na sa Pilipinas ako nag-aaral. Inaamin kong nahirapan pa ako sa umpisa sa pagaaral ng wikang Filipino dahil nga wikang Ingles ang kinagisnan kong bigkasin, subalit ito ay lubos na nakatulong sa akin upang lalong maging bihasa sa Pambansang Wika ng Pilipinas. Noong nakaraang taon nang ako ay nasa Ikaanim na Baitang, laking gulat ko n a n g nakakuha ako ng markang 94 sa Ikaapat na Kapat sa Filipino, isang pangyayari na noon lang naganap. Ito ay hindi ko inaasahan subalit ang taong iyon ay kakaiba sa mga nakaraan. Nalaman kong tunay palang mahalaga ang lubos na pagsisikap sa pag-aaral kahit ano man ang balakid, at ang grado ay isa lamang batayan ng iyong oras at panahon na ginugol sa pag-aaral. Ang mga parangal ay katibayan lamang sa pagsisikap na ito. Kung nagtataka kayo kung ano ang nagtulak sa akin para pagbutihin ang aking pag aaral, ay sasabihin ko sa inyo. Ang kilos ng aking klase ay medyo magulo at maingay subalit naniniwala ang aming guro sa Filipino na kaya naming pagbutihan pa ang aming sarili at may kabutihang taglay ang bawat isa sa amin. May kasabihan na sinasalamin ng kilos ng klase ang galing ng isang guro. Sapagkat mabait at baguhang guro pa lamang siya, ako ay nahiya para sa aming klase at nangako ako sa aking sarili na pagbubutihan ko ang pagaaral upang umangat at gumanda

•§•

18•§•

ang pagtingin niya sa aming klase. Dahil sa pangakong iyon, napakalaki ng itinalon ng aking grado sa Filipino! Tunay ngang kapag may pagsisikap ay kaya talagang maabot ang kahit ano. Noong nakaraang taon hanggang Unang kapat ng Ikapitong baitang, marami akong aral na napulot sa aking mga guro na gusto kong ibahagi sa inyo. Una, kailangan mong tunay na maintindihan ang isang paksa. Dahil kahit memoryado mo ang leksyon, binasa mo ang libro, at marami kang mahalagang impormasyon na nasulat sa kwaderno, kapag hindi mo ito naintindihan ay wala itong saysay at hindi mo rin ito magagamit. Ikalawa, kailangan na alam mo kung kailan humingi ng tulong. May mga bagay-bagay na kailangan talaga ng tulong ng magulang, kaibigan at ng guro. Ang tao ay nilikha ng Diyos upang magtulungan para makamit ang kanilang inaasahan. Ang ikatlo ay ang pagkakaroon ng hangarin, isang bagay o kaisipan na magbibigay sa iyo ng lakas na magpatuloy kahit na mahirap ang haharapin na pagsubok. Ito marahil ang pinakamahalaga sapagkat lahat ng kabutihang makakamit mo ay nakasalalay na kung ikaw ay mayroong lakas ng loob na higitan ang iyong mga kakulangan upang makamit ang iyong mga nais sa buhay. At higit sa lahat, ang ikaapat na aral na aking napulot sa aking mga guro ay nanggaling pa sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal , “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa ang amoy sa mabahong isda.” Natutuhan kong mahalin at pahalagahan ang sariling atin, ang wikang Filipino. Maraming salamat sa aking mga magulang sa kanilang tulong sa paggawa nitong akdang ito. At sa aking mga guro para sa kanilang mahuhusay na pangaral na naituro nila sa akin sa Mababang Paaralan ng Ateneo. •§• Miguel Antonio C. De Villa | 7 - Canisius



150 Taong Pag-ibig sa Daigdig

Lahat po ng tenga sa aki’y makinig, nakikita ninyo namang ako’y matipuno’t astig; Matalino, mayaman, biyaya ay tigib. Atenista ’kong nakatindig sa ibabaw ng daigdig. Mapasusubalian ko ang mga iniisip ng mga usiserong tari-tari ang bitbit. Hindi ako konyo, wika’y matatas na nasasambit; ’Di rin apatetiko, kun’di mulat sa bawat panig. Sa komportableng silid-tulugang malamig, aking naiisip ang mga nasa banig, ang mga natutulog sa malamig na sahig, o ang naiidlip sa mga gilid-gilid. Nais kong likidahin itong aking ligalig dahil bukod sa mabigat na bag na bitbit, marami pang kayang gawin ang aking bisig; At abot sa langit itong munting tinig. Kaya parati sa tagunggong, barya’y sinisiksik alay sa mga paslit na sa ospital nakapiit. Subalit sasapat ba itong munting hatid kung ’di matitistis ang kanser sa paligid? Sa panaghoy ng pipi, ako’y natulilig; Napakarami ang sa pagdarahop namamanhid. Sa sariling bayan ay alila at sampid; At sa Balitaan, ito’y aking nililirip. Opo, sa Ateneo ako pinalad mag-isip, minana ang tanglaw ng bayaning ’di nalupig; Kaluluwa sa bantayog, sa akin ay sumanib; Magiting nilang dugo, sa ugat ko’y nag-iinit.

mula sa pahina 17, Pilipinas Kong Mahal Tayo ay dapat gumalang sa mga opinyon ng ibang tao upang sa ganitong paraan, maipapalaganap natin ang kapayapaan! Ang kapayapaan ay napakahalaga sa ating lahat lalo na ngayo’y may mga karahasang nangyayari kahit saan. Ang kapayapaan ay matatamo lamang kung ang ating gagawin ay maganda at iiwasan natin ang gumawa ng kasamaan at kung ito ay nagsisimula sa ating sarili. Sa ating mga Pilipino, maipapakita natin ang kapayapaan sa ating mga adhikain sa paraan na paggawa ng mga ito sa mas maayos na proseso at walang karahasan na magaganap. Kapag ginagalang natin ang iba’t-ibat relihiyon tulad ng Hinduismo, Budhismo at Islam, tayo ay nagpapalaganap ng kapayapaan at katahimikan. Ang pagkamit ng mga antas ng kapayapaan ay maganda rin para sa ating lahat. Ang pagkakaroon ng inspirasyon sa mga taong nagpakita o nagpamalas ng kapayapaan katulad nina Mahatma Gandhi at Mother Teresa ay isa ring halimbawa ng pagpapalaganap ng kapayapaan sa isa’t isa. Maipapakita rin natin ang kapayapaan kung marersolbahan at masosolusyunan ang mga salungatan nating mga Pilipino sa kahit anong antas. Sa ganitong pamamaraan, maipapakita natin ang ating pagka-Pilipino sapagkat hindi lang tayo nagpapakita ng kapayapaan ngunit tayo rin ay nagpapalaki o nagpapalaganap ng kapayapaan sa mga tao sa Pilipinas at sa buong mundo. Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa edukasyong pangkapayapaan ay napakaganda at napakahalaga sa ating pagmamahal sa ating bansa. Tunay ngang maipapalaganap natin ang kapayapaan kung tayo ay gagawa ng kabutihan at iiwasan ang kasamaan. Kung lahat ng paraan ng pagmamahal at pagmamalaki sa Pilipinas ay gampanan at gawin, maipapakita talaga natin na tayo ay mga totoong Pilipino! MABUHAY ANG REPUBLIKA NG PILIPINAS! •§• Isaac Jeoffrey J. Serrano | 7-Berchmans (Mula sa Tagapamagitan: Si G.Serrano ay isang mag-aaral na laging nagkakamit ng sertipiko o Subject Excellence Award sa asignaturang Araling Panlipunan. Isa sa kanyang mga pangarap ay maging pangulo ng Republika ng Pilipinas at guro sa isang pamantasan. Kasalukuyang siyang miyembro ng Isaias at nagtuturo sila sa Mababang Paaralan ng Leodegario Victorino sa Marikina. )

Itong institusyon ay ’di napipinid sa isandaan at limampung taong pagpintig. Pagtagunton sa Ateneo ay walang patid; Mga pinuno ng bayan, dito dinidilig. Atenista akong sa burol nakatindig pero dapat bumaba at mag-alay ng bulig. Atenista akong tigib ng pag-ibig Atenista akong para sa bayan, sa daigdig.•§• ni Bb. Mara Melanie D. Perez

Selebrasyon ng Buwan ng Wika, Agosto 22, 2008

•§•

19•§•

Ipagmalaki Ipagmalaki Natin Natin ang ang Ating Ating Pagiging Pagiging Pilipino! Pilipino!

Related Documents

Bughaw 1
October 2019 45
Bughaw
October 2019 35
1 1 1 1 1 1 1 1 1 .pdf
June 2020 90
Drew_resume[1][1][1][1]
November 2019 116

More Documents from ""

The Eaglet Vol. 55 # 1
November 2019 8
Bughaw
October 2019 35
Bughaw 1
October 2019 45
Ventures 2009
December 2019 14