Aralin 9 - Ang Mga Prayle At Ang Patronato Real.ppsx

  • Uploaded by: 09368833411
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Aralin 9 - Ang Mga Prayle At Ang Patronato Real.ppsx as PDF for free.

More details

  • Words: 2,745
  • Pages: 54
Aralin 9

Yunit II

Ang mga Prayle at Ang Patronato Real Junriel L. Daug Bugwak Elementary School

Panimula Sa panahon ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas, may pagkakaisa ang Simbahan at ang estado. Kinilala ng estado ang mahalagang papel na ginampanan ng mga prayle sa pagpapatatag ng kolonyalismo kung kaya’t tiniyak ng pamahalaan na suportado at protektado ang mga prayle.

Panimula RENATO CONSTANTINO Isang historyador na nagsabi kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng mga prayle, na naatasan hindi lamang ng mga gawaing panrelihiyon kundi maging ng mga tungkuling pansibiko.

PRAYLOKRASYA Pagiging lubos na makapangyarihan ng Simbahan sa mga usaping panrelihiyon, pampolitika, at maging panlipunan.

Subukin Natin Article 2 Section 6 (1987 Konstitusyon ng Pilipinas) “Hindi maaaring magpataw ng anumang opisyal na relihiyon ang estado at hindi rin maaring magpatupad ng batas o magsagawa ng mga pagkilos na maglilimita sa pagsunod o makakasagabal sa praktis ng anumang relihiyon.”

Subukin Natin Maiuugat ang paghihiwalay ng Simbahan at ng Estado sa Pilipinas sa karanasang kolonyal ng mga Filipino sa ilalim ng pamahalaang Espanyol, na ginamit ang pinagsanib na puwersa ng pamahalaan at ng relihiyon sa pagsakop sa bansa. Sa konstitusyon ng Malolos noong 1899, pinagtibay ang paghihiwalay ng simbahan at ng estado at nagpatuloy ang ganitong patakaran hanggang 1987 Kontitusyon ng Pilipinas.

Subukin Natin Maiuugat ang paghihiwalay ng Simbahan at ng Estado sa Pilipinas sa karanasang kolonyal ng mga Filipino sa ilalim ng pamahalaang Espanyol, na ginamit ang pinagsanib na puwersa ng pamahalaan at ng relihiyon sa pagsakop sa bansa. Sa konstitusyon ng Malolos noong 1899, pinagtibay ang paghihiwalay ng simbahan at ng estado at nagpatuloy ang ganitong patakaran hanggang 1987 Kontitusyon ng Pilipinas.

Pamprosesong Tanong 1. Sa iyong palagay, mas nakabuti ba sa Pilipinas na inihiwalay ang Simbahan at Estado? 2. Sa kabila ng paghihiwalay ng estado at Simbahan, may mga pagkakataon bang sumali pa rin ang Simbahan sa mga usaping pampolitika? Kung oo, magbigay ng halimbawa. 3. May alam ka bang pribilehiyong ibinigay ng pamahalaan sa Simbahan? Kung oo, ano ito?

Unawain Natin Sa kabila ng paghihiwalay ng estado at Simbahan, aktibo at nananatili pa ring malakas ang impluwensiya ng Simbahan sa kasalukuyan maging sa mga usaping pampolitika, panlipunan, amging personal sa Pilipinas. Sa araling ito, babalik-tanawin ang pinagmulan ng kapangyarihan at impluwensiya ng Simbahan sa lipunang Filipino.

ANG PATRONATO REAL Ang ugnayang Simbahan at pamahalaan kung saan ang pamahalaan ay mayroong mahalagang papel sa pangangasiwa at pagsuporta sa Simbahan. Sa pagkakaisa ng Simbahan at estado, nakadepende sila sa isa’t isa. Ang estado (hari ng Spain) ay binigyan ng kapangyarihan ng Santo Papa na pangasiwaan ang pondo ng Simbahan at sa pagpili ng paring opisyal

ANG PATRONATO REAL Nagsikap ang pamahalaan na masiguro ang Kristiyanisasyon ng mga katutubo sa pamamagitan ng matinding suporta ng pamahalaan sa Simbahan sa larangan ng militar at pinansiyal.

Hidwaan ng Paring Regular at Sekular PARING REGULAR Paring kabilang sa samahang relihiyoso at unang naatasang magmisyon upang gawing Kristiyano ang mga katutubo.

1. 2. 3. 4. 5.

Augustinian Franciscan Jesuit Dominican Augustinian Recollect

Prayle Mga paring Espanyol na ipinadala sa Pilipinas upang pamahalaan ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Kabilang sila sa samahang relihiyoso na humahawak at pinamumunuan ang mga parokya.

Hidwaan ng Paring Regular at Sekular PARING SEKULAR Paring mula sa Pilipinas na walang kinabibilangang anumang samahang relihiyoso na kadalasan ay mestizo o may halong dugong Espanyol o Tsino. Hindi sila maaaring maging Jesuit, Dominican o Augustinian.

Hidwaan ng Paring Regular at Sekular REGULAR May Karapatang humawak ng parokya Karapatang pumili ng parokyang hahawakan na nasa malapit.

SEKULAR

Paghawak ng parokya

Walang karapatang humawak ng parokya

Nakahahawak lamang ng parokya kung ayaw hawakan ng paring regular ang malalayong parokya.

Ang Kahalagahan ng mga Prayle 1. Matagumpay ang mga prayle sa paglaganap ng kolonyalismo sa pagpapaniwala sa mga katutubo na ang pagpunta nila sa Pilipinas ay upang palayain sila mula sa pagsamba sa demonyo at mula sa pang-aabuso ng mga datu. 2. Malaki ang papel ng Simbahan sa kampanya para sa pasipikasyon o ang pagpapatahimik o pagpapayapa sa mga katutubong lumalaban sa kolonyalismo

Ang Kahalagahan ng mga Prayle 3. Dahil mas maraming prayle kaysa opisyal at mas matagal ang inilalagi ng mga prayle sa kolonya kaysa opisyal, na anumang oras ay maaaring pabalikin sa Spain. 4. Dahil mas malapit ang mga prayle sa mga katutubo kaysa sa mga opisyal. 5. Ang mga prayle ang direktang nakakaugnayan ng mga katutubo gamit ang katutubong wika kaya madali ang pakikipag-ugnayan nila.

Tungkulin ng mga Prayle sa Simbahan  Paghikayat sa katutubo na talikuran ang sinaunang paniniwala.  Pagpapatupad ng patakarang reduccion para madali ang paglaganap ng Kristiyanismo dahil lahat ay nakatira sa pueblo, cabecera, visita.  Pagbibinyag ng mga katutubo.  Pagpapaliwanag sa katutubo sa mga aral ng Simbahan.  Pagpapatupad ng patakaran hinggil sa pangungumpisal ng katutubo.  Pangasiwaan ang mga sakramento mula binyag hanggang kamatayan.

Papel ng mga Prayle sa Lipunan  Nagsilbing inspektor sa mga mababang paaralan at sa pagbubuwis.  Naging pangulo rin sila ng kagawaran ng kalusugan, kawanggawa, pagbubuwis sa lungsod, estadistika, kulungan, at pampublikong gawain.  Kasapi ng kagawarang panlalawigan at kagawarang may kinalaman sa paghahati-hati ng lupaing pagmamayari ng kaharian.

Papel ng mga Prayle sa Lipunan  Sensor ng badyet munisipal, at maging sa dula, komedya, at drama na itinatanghal sa pampublikong lugar na hindi maaaring ipalabas kung walang basbas nila.  May papel sa usaping may kinalaman sa cedula personal, eleksiyon, pagkain ng preso, konsehong munisipal, pulisya, at militar.

Gawin at Matuto Makikita sa susunod na slide ang iba’t ibang larangan kung saan nagkaroon ng impluewnsiya o kapangyarihan ang mga prayle noong panahon ng kolonyalismong Espanyol. Alamin ang mga ahensiya ng pamahalaan sa kasalukuyan na nangangasiwa ng naturang larangan at alamin ang mga gawain ng bawat isa. Iulat sa klase ang inyong nasaliksik at ibigay ang inyong opinyon sa naging lawak ng kapangyarihan ng prayle sa panahon ng pananakop ng Spain

Gawin at Matuto             

Mababang paaralan Buwis Kalusugan Kawanggawa Estadistika Bilangguan Pampublikong Gawain Lupa Badyet Dula,Komedya,Drama Eleksiyon Pulisya Militar

            

Department of National Defense Philippine National Police Commission on Election Movie and Television Review and Classification Board Department of Budget and Management Department of Agrarian Reform Department of Public Works and Highways Department of Justice Philippine Statistics Authority Department of Social Welfare and Development Department of Health Bureau of Internal Revenue Department of Education

Gawin at Matuto Ano ang impluwensiya at saklaw ng kapangyarihan ng mga obispo at pari sa kasalukuyan?

Kahit suportado ng pinansiyal ang mga prayle sa ilalim ng patronato real ay gumawa sila ng paraan upang makalikom ng pera sa kolonya. Dahil dito, nabigo ang Spain sa layunin na maagaw mula sa Portugal ang kalakalan ng rekado dahil hindi napaunlad ng Spain ang potensiyal ng Pilipinas at hindi nagkaroon ng kita ang Spain mula sa kolonya dahil sa pagpapayaman ng maraming Espanyol.

Mga dahilan sa tangkang pabitaw ng Spain ang Pilipinas 1.Hindi kumikita ang Spain sa Pilipinas 2.Takot na matalo ang mga produktong seda ng mga mangangalakal ng Seville at Andalucia sa kakompetinsiya mula China 3.Naging pabigat ang Pilipinas dahil paligi nalang itong pinupunduhan sa real situado mula sa Mexico

Mga dahilan ng mga prayle sa pagtutol na abandonahin ang Pilipinas 1.Iligtas ang kaluluwa ng katutubo sa paglaganap ng Kristiyanismo 2.Pagtigil na mabalik sa paganismong pagsamba ang katutubo kung lilisanin ang Pilipinas 3. Maaaring samantalahin at sakupin ang Pilipinas ng mga Protestanteng Dutch 4. Hindi pang-ekonomiya kundi espirituwal ang dahilan sa pagsakop sa Pilipinas

1. Pagpapatayo ng Obras Pias - Nangangahulugang banal na gawain. - Pang-kawanggawang pundasyon upang tumanggap ng donasyon. - Ang donasyong nalikom ay nakalaan para sa layuning pangkawanggawa, panrelihiyon, pang-edukasyon. - 1854, nagpatupad ng kautusan ang pamahalaan na kukunin ang karapatan sa pangangasiwa sa obras pias at sa mga pondo nito.

2. Pagmamay-ari ng Hacienda

- Gantimpala nila mula sa pagpapalawak ng reduccion at ang kaakibat na pagbubuo ng mga pueblo at pagpapalaganap ng Kristiyanismo. - Pinauupahan nila ang lupain sa mga inquilino (Mestizong Tsino) at pinasasaka sa mga katutubo na tinatawag na kasama. - Ang lupang walang titulo ng mga katutubo ay binibili ng mga prayle sa pamahalaan kaya lumaki ang kanilang lupain.

2. Pagmamay-ari ng Hacienda

- May mga lupang tinanggap din ang mga prayle mula sa donasyon sa namamatay na dahil kinakailangan na makapagkumpisal muna ang isang tao bago mamatay at lupain ang kabayaran. - Itinuro din ng simbahan na sagabal sa isang mayaman ang makapasok sa kaharian ng diyos kung kayat nagdesisyon ang mga mayayaman na ibigay nalang sa simbahan ang kanilang lupain upang magkaroon ng kaligtasan sa kaluluwa.

1. Binyag - Ang unang hakbang sa pagtanggap ng Kristiyanismo. - Kailangan ng katutubo para talikuran ang sinaunang relihiyong tinatawag na paganismo na sinasamba ang demonyo. - Unang binibinyagan ang mga kabataan para maiwasan ang pagkakasakit. - Ipinalit lamang sa sinaunag ritwal para kunin ang loob ng mga katutubo.

2. Katekismo - Mga aral ng simbahan. - Pagpapaunlad ng aspetong espirituwal ng mga katutubong Filipino gamit ang Doctrina Christiana na inilimbag noong 1593. - Dahil sa kakulangan ng prayle, sinasanay ang mga matatalinong katutubo para magturo sa kapuwa nila katutubo kung ano ang mga aral ng Kristiyanismo at pagsasabuhay nito.

3. Sakramento - Dapat sundin ang pitong sakramento para maging ganap na katoliko. - Kasal, kumpisal, at komunyon ang pinagtuunan ng pansin ng mga prayle. - Sa kasal, isa lang dapat ang asawa taliwas sa nakasanayan ng mga katutubo na pwedeng mag-asawa ng marami. Wala ring diborsyo.

3. Sakramento - Sa kumpisal, nagbibigay daan ito para mailigtas ang kaluluwa sa kabilang buhay - Dapat sundin ang sakramento ng banal na eukaristiya at komunyon, pagpapahid ng langis sa may sakit, at pagtatalaga ng mga pari.

DOCTRINA CHRISTIANA

- Ang kauna-unahang aklat na inilimbag sa Pilipinas noong 1593 at isinalin sa ibat ibang wika.

DOCTRINA CHRISTIANA - Nilalaman :  Pater Noster (Ama Namin)  Ave Maria (Aba Ginoong Maria)  Credo (Pananampalataya/Paniniwala)  Salve Maria (Aba Po Santa Mariang Hari)  14 artikulo ng pananampalataya  Pitong sakramento  Pitong kapital na kasalanan  Labing apat na gawain ng awa  Sampung utos  Limang kautusan ng simbahan  Akto ng pangkalahatang pangungumpisal

Pitong Sakramento 1.Binyag – ayon sa Simbahang Romano Katoliko ito ay nag-aalis ng orihinal na kasalanan at nahahawa ang bata sa biyayang nagpapabanal 2.Kumpisal – kung saan aaminin ang mga kasalanan sa isang pari 3.Komunyon – itinuturing na pagtanggap at pagkain sa literal na katawan at dugo ni Kristo 4.Kumpil – isang pormal na pagtanggap sa simbahan kasabay ng pagpahid ng Espiritu Santo 5.Pagpapahid ng langis sa maysakit – ginagawa sa isang taong mamamatay na para sa espiritwal at pisikal na kalakasan para sa paghahanda sa langit. Kung masasamahan ng pangungumpisal at komunyon, ito ang tinatawag na ‘huling seremonya.’ 6.Banal na ordinasyon o ang pagtatalaga sa mga pari 7.Kasal – pagbibigay ng espesyal na biyaya sa magkapareha

Pitong Kapital na Kasalanan 1. Kapalaluan o kahambugan 2. Inggit 3.Katakawan o kasibaan sa pagkain at inumin 4. Kahalayan o kalibugan 5. Poot o Galit 6. Pagkaganid 7. Katamaran o pagkabatugan

Labing-apat na Gawain ng Awa 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. 13. 14.

Dalawin ang mahirap at may sakit Pakainin ang nagugutom Painumin ang nauuhaw Damitan ang walang damit Tubusin ang nabihag Patuluyin ang walang tutuluyan Ibaon ang namatay Aralan ang walang alam Aralan ang napaaral Pagdalitain ang nagkasala Patawarin ang kasalanan ng nagkasala Huwag isaloob ang pagmumura ng ibang tao Aliwin ang malungkot Ipanalangin sa Diyos kapwa ang nabubuhay at namatay

Sampong Utos 1. Ibigin mo ang Diyos nang lalo at higit sa lahat. 2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan. 3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath. 4. Galangin mo ang iyong ama at ina. 5. Huwag kang papatay. 6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa. 7. Huwag kang magnakaw. 8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling. 9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pagaari. 10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.

Limang Utos ng Simbahan 1. Makiisa sa pagdiriwang ng misa kung linggo at pistang pangilin 2. Mangumpisal minsan man lamang sa isang taon 3. Tumanggap ng banal na komunyon lalo na sa panahon ng muling pagkabuhay 4. Mag-ayuno at mangilin sa mga araw na itinakda 5. Mag-abuloy para sa pangangailangan ng simbahan

Tugon ng mga Filipino sa Pamamahala ng mga Prayle Sa una ay hindi pinagkatiwalaan ng mga katutubo ang mga prayleng nagpapakilala sa kanila ng bagong relihiyon dahil nakasanayan nilang babae ang gumaganap ng papel bilang pinunong espirituwal. Hindi nanging madali rin sa mga katutubo na talikuran ang katutubong relihiyon dahil ito na ang nakagisnan nila sa simula pa lamang.

Pampasiglang Dulot ng Kristiyanismo Sinimulan ng mga prayle ang pagsagawa ng mga pagdiriwang upang mas maging katanggap-tanggap sa mga katutubo ang bagong relihiyon. Ang piyesta ay tinanggap ng mga katutubo at isa sa mga pagdiriwang kung saan itinuring pasasalamat sa mga espiritu sa kanilang kinagisnang relihiyon.

Pampasiglang Dulot ng Kristiyanismo Tatlong piyestang naging tampok sa Kristiyanismo sa panahon ng mga Espanyol.  Mahal na Araw

 Corpus Christi / pagdiriwang ng komunyon  Piyesta

Piyesta - Isa sa nagpasigla sa Kristiyanismo kung saan ito ang pagdiriwang ng araw ng patron ng isang parokya. - Magarbong parada ng mga santo - Maraming bulaklak sa naglalakihang karo - Binibihisan ng magagandang damit at pinalalamutian ng mamahaling alahas ang mga santo

Pagpapatuloy ng mga Nakagisnang Paniniwala sa Bagong Paniniwala CAMPADRAZGO - Pagkakaroon ng ninong at ninang sa pagbibinyag ng isang katutubo. -Mas pinagtitibay nito ang relasyon sa pagitan ng mga magulang ng binibinyagan at mga ninong at ninang kaysa sa relasyon sa pagitan ng inaanak at ng ninong at ninang.

Pagpapatuloy ng mga Nakagisnang Paniniwala sa Bagong Paniniwala BANAL NA TUBIG O HOLY WATER - Ginagamit ng pari sa pagbasbas sa mga Kristiyano, lalo na sa mga may sakit at mga patay. - Noon, tubig ang ginagamit sa pagsasagawa ng ritwal tulad ng pagpapakasal, unang pagreregla, pagpapagaling sa maysakit, at paglilibing

Pamumundok at Pag-aalsa Hindi nakiangkop ang ibang katutubo sa ipinatupad ng mga prayle. May mga katutubong ayaw magpabinyag sa bagong relihiyon kung kayat nagpasyang umakyat sa kabundukan at doon manirahan , at ipinagpatuloy ang katutubong paniniwalang panrelhiyon.

Pamumundok at Pag-aalsa Ang pang-aabuso rin ng mga prayle ang isa sa mga dahilan kung bakit namundok at nagalsa ng mga katutubo. Ang mga namuno sa pag-aalsa ay nagtaguyod ng pagbabalik sa katutubong relihiyon at pagtalikod sa kristiyanismo.

Gabay na Tanong 1. Bakit sinasabing malaki ang ginampanang papel ng sakramento ng kumpisal sa naging tagumpay ng kolonyalismo? 2. Mag mabibigay ka bang halimbawa ng manipestasyon ng katutubong paniniwala na naging bahagi na ng kristiyanismo sa Pilipinas? Kung oo, ano ito?

Gawin at Matuto Magsaliksik ng isang balita na nagpapatunay ng pakikisangkot ng simbahan sa usaping pampolitika. Gupitin ang balita mula sa diyaryo at idikit sa isang bond paper. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na katanungan. 1. Ano ang buod ng balita? 2. Bakit sinusuportahan o tinututulan ng Simbahan ang nasabing isyu? 3. Anong mga isyu ang kadalasang pinanghihimasukan ng simbahan? 4. Ano ang kinahinatnan ng isyu? 5. Ano ang pananaw mo dito?

Isip, Hamunin Tama o Mali : Isulat sa inyong papel

ang isinasaad ng pangungusap. Kung mali, isulat ang

kung tama ang .

__________1. Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, may unyon o pagkakaisa ang Simbahan at pamahalaan. __________2. Ang unang naatasang magmisyon upang gawing Kristiyano ang mga katutubo ay ang mga conquistador. __________3. Ang mga paring regular ay mga paring Filipinong may karapatang humawak ng parokya. __________4. Sa ilalim ng pagiging isa ng pamahalaan at simbahan, tungkulin ng hari ng Spain na tugunan ang pangangailangang militar at pinansiyal ng mga prayle.

Isip, Hamunin Tama o Mali : Isulat sa inyong papel

ang isinasaad ng pangungusap. Kung mali, isulat ang

kung tama ang .

__________5. Sinabi ng mga prayle na nakabuti sa mga katutubo ang Kristiyanismo dahil pinalaya nila ang mga ito sa panginoong maylupa.

Isip, Hamunin Pagtutugma: Hanapin sa hanay B ang katugmang mga salita na makikita sa hanay A. Isulat sa inyong papel ang titik ng tamang sagot. Hanay A Hanay B

1. patronato real 2. Praylokrasya 3. Katekismo 4. Eukaristiya 5. Obras pias

a. pundasyong pangkawanggawa b. komunyon c. Suportang pampamahalaan d. pagiging makapangyarihan ng prayle e. mga aral ng simbahan

Isip, Hamunin Enumerasyon: Ilista sa inyong papel ang pitong sakramento ng Simbahan at ipaliwanag ang layunin ng bawat isa. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.

- _________________________________________ - _________________________________________ -__________________________________________ - _________________________________________ -__________________________________________ - _________________________________________ - _________________________________________

Related Documents


More Documents from ""