ANO ANG TB? Ito ay impeksyon sa baga na dulot ng isang bacteria, ang Mycobacterium tuberculosis, kung saan unti-unti nitong sinisira ang laman ng ating baga.
KELAN AKO DAPAT MAGSUSPETSA NA ANG AKING UBO AY MAAARING TB NA?
Kapag ang ubo ay di gumagaling at lampas mahigit dalawang linggo na Kapag ang pag-ubo ay may kasabay na pagsuka ng dugo na kasama sa plema Kapag may kasamang pangangayayat at walang ganang kumain Kapag nilalalagnat lalo na sa bandang hapon o gabi Kapag hirap sa paghinga, sumasakit ang dibdib at madaling mapagod
ANO ANG DAPAT KONG GAWIN SAKALING AKO AY MAY TB? Pinakamaigi ang komunsulta agad sa doktor para makumpirma kung ito nga ay TB talaga. Kung sakaling ito ay TB nga, mangangailangan ito ng anim na buwang gamutan upang tuluyang magamot ang sakit.
MAAARI KO NA BANG ITIGIL ANG GAMUTAN KAPAG WALA NA AKONG NARARAMDAMAN? Hindi. Kinakailangan na matapos ang takdang panahon ng gamutan bago ito ihinto. May mga pagakakataon kasi na kahit wala ka nang nararamdaman, ay marami pa ring bacteria na naiwan sa baga kaya malaki ang tsansa na ang sakit ay bumalik kapag hindi natapos ang gamutan.
NAKAKAHAWA BA ANG SAKIT NA ITO? Ang sakit na ito ay maaaring malipat sa iba sa pamamagitan ng tumalsik na laway dahil sa pagubo o sa pagbahing ng taong may sakit na TB, o kahit sa simpleng pakikipag-usap lang. Kaya makakabuti na sa tuwing uubo o babahing, kelangang takpan ang bibig o magsuot ng mask para di makahawa. Nirerekomenda rin na patingnan ang mga kamag-anak ng taong may TB para makasigurong hindi sila nahawaan ng sakit.
NAKAMAMATAY BA ANG TB? Ang sakit na TB ay pwedeng malunasan at mapagaling kung ito ay naagapan at kung ang pasyente ay sumunod sa tinakdang gamutan ng doktor. Kung hindi, ang TB ay maaaring kumalat hindi lamang sa baga pati na rin sa ibang parte ng katawan tulad ng mga buto, bituka, at iba pa. Ito ay maaaring mauwi sa komplikasyon at pwedeng ikamatay.
Paano naipapasa ang HIV/AIDS hindi malinis na karayom o heringgilya, o anumang instrumento na tutusok o hihiwa sa balat. pagsasalin ng dugo, kung hindi natesting ang dugo para matiyak na wala itong HIV. pagbubuntis, panganganak o pagpapasuso kung may impeksyon ang nanay o tatay may impeksyong dugo na nakapasok sa hiwa o bukas na sugat ng ibang tao.
Hindi naipapasa ang HIV/AIDS sa ganito paghawak, paghalik, o pagyakap pagsalo sa pagkain pagsalo sa higaan paghiraman o paglaba ng damit, tuwalya, sapin ng kama, kubeta, o kasilyas, kung susundin mo ang payo "Pag-iwas na maipeksyon ng HIV sa bahay". pagkalinga sa taong may HIV/AIDS, kung susundin mo ang payo "Pangangalaga sa mga taong may AIDS". kagat ng insekto Ano ang hepatitis? Ang ibig sabihin ng hepatitis ay pamamaga sa atay. Maraming virus ang nakakapagbigay ng pamamaga sa atay at ang pinaka-grabe ay mga virus na Hepatitis A, Hepatitis B at Hepatitis C Ang Hepatitis A ay dulot ng Hepatitis A-virus (HAV). Karaniwang nakukuha sa pamamagitan ng tubig na kontaminado ng HAV at pagkain na inihanda o ginawa ng taong may Hepatitis A na hindi malinis ang mga kamay Ang isang tao ay mahahawa sa Hepatitis B sa pamamagitan ng katas galing sa katawan halimbawa ng pagsasama ng walang proteksyon, sa panganganak, mula sa bukas na sugat, at sa pamamagitan ng dugo halimbawa sa paggamit ng kontaminadong labaha, pangahit o sipilyo na pag-aari ng ibang tao, at paulit-ulit na paggamit ng karayom na pang-tattoo, pang-inyeksyon, at tagos sa regla. Ang Hepatitis C ay dulot ng Hepatitis C-virus (HCV). Ang virus ay naisasalin ng dugo-sadugo (blood-borne) na dating tinatawag na non-A/non-B hepatitis. Sa loob ng maraming taon, nito lamang 1989 napatunayan ng tao ang klase ng HCV sa pamamagitan ng blood test. Ito’y walang sintomas at namumuhay ng normal. Ang karamihan ng may hawang HCV sa ngayon ay matagal nang nahawa. Gayunman ang taong matagal nang may HCV patuloy at lumala sa loob ng 10-40 taon ay maaaring magdulot ng malaking pinsala sa atay, cirrhosis at kanser sa atay. HCV ang nangungunang dahilan ng mga liver transplantsa US.