Ang Bunga Ng Kapinsalaan 1

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ang Bunga Ng Kapinsalaan 1 as PDF for free.

More details

  • Words: 1,447
  • Pages: 9
Ang Bunga ng Kapinsalaan sa Kapiligiran Aralin I I.

Layunin a. Nabibigyang kahulugan ang ecosystem at pagkasira ng kapaligiran b. Natutukoy ang ilang uri ng pagkasira ng kapaligiran na nakaaapekto sa ibat ibang mga ecosystem c. Napapahalagahan ang ibat ibang halimbawa ng ecosystem

II.

Paksa a. Aralin: b. Kagamitan :

III.

Ano ang Pagkasira ng Kapaligiran Larawan ng malago at kalbong kagubatan, papel, pandikit,lapis, krayola o colored pen, modyul- Ang Bunga ng Kapinsalaan sa

Kapaligiran Pamaraan a. Panimulang Gawain • Pagganyak Ubusan ng lahi 1. Bumuo ng dalawang pangkat 2. Hahawakan ng bawat miyembro ang beywang ng nasa harapan nila. 3. Huhulihin ng nasa unahan ang buntot ng kabilang pangkat. 4. Ang may pinakamaraming miyembro na natira ang panalo. b. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad Ipakanta ang awiting “Kapaligiran” ng Asin 2. Pagtatalakayan a. Ipabasa ang Alamin Natin sa pahina 6-7 at 8-9. b. Bubunot ang mga mag-aaral ng mga katunangun mula sa pandoras box. c. Sasagutin ang mga katanungan, kung hindi masagot ng nakabunot maaari itong sagutin ng iba. d. Debate Ang guro ang tatayong mediator ng debate. Ang titulo ng pagdedebatihan ay “Sino ang dapat sisihin sa nangyari sa Samar, ang gobyerno ba o mga negosyante”? 1. Bumuo ng dalawang pangkat na tig-aapat na miyembro. 2. Bawat pangkat ay pipili ng panig na kanilang ipagtatanggol. 3. Magtotoss coin para malaman ang mauuna.

4. Bawat pangkat ay bibigyan ng 5 minuto para ilahad ang kanilang ideya. 5. Tatagal ang debate sa loob ng 1 oras. Mga batayan para malaman ang nagwagi: a. Kahusayan sa pagpapahayag ng ideya. b. Pagsunod sa oras na inilaan. c. Kahusayan ng pagtataggol ng panig e. Talakayin ang pagkasira ng kapaligiran at ang puntos ng bawat panig. • Ang ecosystem ay isang komunidad ng mga organismo na may kaugnayan sa bawat isa at sa mga kemikal at pisikal na salik tulad ng liwanag ng araw, tubig, lupa at mga sustansiya sa lupa. Ang mga haimbawa nit ay freshwater ecosystem, marine ecosystem, forest ecosystem at urban ecosystem. • Maaaring malaki ang ecosystem kagaya ng kagubatan at maaaring maliit kagaya ng halamanan. • Mga halimbawa ng natural na pagkasira ng kapaligiran: bagyo, pagguho ng mga bondok o burol, lindol, baha at pagpagsabog ng bulkan. • Mga halimbawa ng mga gawain ng tao na nagdudulot ng pagkasira ng kapaligiran: pagkalbo ng mga gubat, muro-ami, paggamit ng dinamita at mga lambat na maliliit na ang butas sa pangingisda, pagtatapon ng basurang industriyal at domestik sa mga bahagi ng tubig, hindi pagsasa-ayos ng mga sirang tubo o gripo, sobrang pagbomba ng tubig sa ilalim ng lupa, urbanisasyon, pagbubuga ng makakapal na usok ng mga sasakyan. f. Ipagawa ang Subukan Natin Ito sa pahin 9-10. 3. Paglalahat • Ano ang mga salik na bumbuo sa ecosystem? • Anu-ano ang mga gwaing nakakasira ng kapiligiran? 4. Pagpapahalaga Bilang miyembro ng isang komunidad, sinasang-ayunan mo ba ang patuloy na paggawa ng mga gawaing nakasisisra ng kapaligiran? 5. Paglalapat Nakita mo ang iyong kaibigan na nagtatapon ng basura sa ilog, ano ang iyong gagawin?

IV.

Pagtataya 1. Bawat pangkat ay gagawa ng artipisyal na ecosystem gamit ang papel, pandikit, lapis at krayola o colored pen. 2. Bibigyan ng marka ang gawa ng mga mag-aaral batay sa sumusunod na pamantayan: Kalinisan at kaayusan ng gawa Tamang oras na pagpasa Kooperasyon ng grupo Mula 7-10 Mula 3-6 Mula 0-2

V.

-------

------------------------Total

5 3 2 10

Mahusay Dagdagan pa ang husay sa paggawa Pag-igihan sa susunod

Karagdagang Gawain 1. Gumawa ng pantomime tungkol sa pagkasira ng kapaligiran. 2. Magsaliksik tungkol sa mga epekto ng pagkasira sa kapaligiran

Ang Bunga ng Kapinsalaan sa Kapaligiran Aralin 2 I.

II.

Layunin a. Nakikilala ang mga uri ng pagkasira ng kapaligiran na nakaaapekto sa ibat ibang ecosystem b. Naipaliliwanag ang mga bunga ng malawakang pagkawasak ng kapaligiran sa bawat ecosystem Paksa a. Aralin : b. Kagamitan :

III.

Ang Ating Kapabayaan Modyul- Ang Bunga ng Kapinsalaan sa Kapaligiran, Larawan ng maruming ilog, bahang lugar, manila Paper, pentel pen at scotch tape

Pamaraan a. Panimulang Gawain • Balik-aral 1. Ano ang ecosystem? 2. Ano ang pagkasira ng kapaligiran? 3. Anu-ano ang mga gawain na nakasisira sa kapaligiran? •

Pagganyak Ipahanap ang mga nakatagong salita sa kahon na nakasulat sa ibaba. Bilugan ang mga ito.

ECOSYSTEM FOREST E R V M N O U R L

A C F P U L T L F

O A O I T A L M R

MARINE URBAN I E R S O N I A M

B O E T Y D V R T

C U S R U S A I V

LANDSLIDE REEFS D A T A R L T N A

L E R E Y I F E I

A I D O F D I L M

E O I T R E E F S

b. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad Ipakita ang larawan ng maruming ilog, kalbong gubat at bahang lugar. 2. Pagtatalakayan a. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. b. Bawat pangkat ay bibigyan ng topic na pag-aaralan c. Ang unang pangkat ay pag-aaralan ang freshwater at forest ecosystem sa pahina 14-20. d. Ang ikalawang pangkat ay pag-aaralan ang marine o coral ecosystem at urban ecosystem na nasa pahina 21-25. e. Ang bawat pangkat ay sasagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anu-ano ang mga gawain na nakasisira sa ecosystem? 2. Anu-ano ang mga epekto sa mga tao at iba pang organismo sa mga gawaing ito? f. Isusulat sa manila paper ang kanilang kasagutan g. Iuulat ng isang miyembro sa bawat pangkat ang kanilang mga kasugutan. h. Tatalakayin ang mga sagot ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng flow chart. i. 3. Paglalahat 1. Sinu-sino ang mga naapektuhan ng mga gawaing nakasisira sa kapaligiran. 2. Anu-anong mga epekto ng pagkasira ng kapaligiran? 4. Pagpapahalaga Dahil sa lulamalalang kondisyon ng kapaligiran, ano ang magagawa mo para mabawasan ang problemang pangkapaligiran? 5. Paglalapat Habang ikaw ay papuntang paaralan, nakita mo na umaapaw ang tubig sa may canal. Nadiskobre mo na nasira ang tubo ng tubig kaya patuloy na tumataas ang tubig canal. Ano ang gagawin mo?

IV.

Pagtataya Ipasagot ang Alamin Natin ang Iyong Natutunan sa pahina 26-27. Ihambing ang ang kanilang mga sagot sa batayan ng Pagwawasto sa pahina 46-48.

V.

Karagdagang Gawain 1. Magsaliksik tungkol sa pangunahing hakbang na ginagawa ng pamahalaan at pribadong sector upang maisalba at mapanatiling buhay ang ating kapaligiran. 2. Magsaliksik kung anong problemang pangkapaligiran sa inyong lugar.

Ang Bunga ng Kapinsalaan sa Kapaligiran Aralin 3 I.

Layunin • Nakikilala ang mga posibleng solusyon sa pagkasira ng kapaligiran. • Nakapagbibigay ng mungkahi ng mga posibleng kaparaanan na maaaring magbigay lunas o kumontrol sa mga suliraning pangkapaligiran

II.

Paksa • Aralin : • Kagamitan :

III.

Ang Pagkilos Modyul- Ang Bunga ng Pagkasira ng Kapaligiran bote ng softdrinks o alak, diyaryo, walang lamang lata, pintura, pandikit, lapis at pentel pen

Pamaraan •

Panimulang Gawain • Balik-aral 1. Ano ang deforestation? 2. Ano ang epekto ng deforestation sa tao? 3. ano ang saltwater intrusion? 4. Ano ang epekto ng saltwater intrusion sa tao at halaman? • Pagganyak



Panlinang na Gawain 1. Paglalahad Magpakita ng larawan ng nagtutulungang pamayanan 2. Pagtatalakayan a. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. b. Gamit ang round robin with talking chips, ang bawat miyembro ay mag-iisip ng pagkilos o paraan upang

maiwasan ang pagkasira ng kalikasan at sinu-sino ang mga dapat makibahagi sa mga kilos na ito. c. Ang bawat miyembro na magbabahagi ay kailangang maglagay ng chips (maaaring lapis o bolpen) sa gitna. d. Hindi pa maaaring umulit ang tapos na hanggat hindi nakakababa lahat ang chips ng pangkat. e. Iuulat ng mga miyembro ng bawat pangkat ang mga kilos o paraan na kanilang napagkasunduan. f. Ipabasa ang Pag-aralan at Isipin Natin sa pahina . g. Talakayin ang mga paraan na naisip ang nabasa ng mga mag-aaral. h. Ipagawa ang Sagutin Natin sa pahina 3. Paglalahat Anu-ano ang mga pagkilos upang mapangalagaan ang ating kapiligiran? 4. Pagpapahalaga Ano ang maibabahagi mo upang mapangalagaan at maprotekthan an gating kapaligiran? 5. Paglalapat Buong klase ay pupunta sa isang barangay upang magsagawa ng Barangay Linis Operation. IV.

Pagtataya Ipasagot ang Alamin NAtin ang Iyong Natutunan sa pahina 38. Ihambing ang kanilang mga sagot sa Batayan ng Pagwawasto sa pahina 50-51

V.

Karagdagang Gawain Magpagawa ng isang bagay na puwedeng pandekorasyon o pagkakitaan gamit ang mga bote ng softdrinks o alak, diyaryo, walang lamang lata, pintura, pandikit, lapis at pentel pen

Bibigyan ng marka ang gawa ng mga mag-aaral batay sa sumusunod na pamantayan: Kalinisan at kaayusan ng gawa Kalidad ng ginawa Tamang oras na pagpasa Mula 7-10 Mula 3-6 Mula 0-2

-------

----------------Total

5 3 2 10

Mahusay Dagdagan pa ang husay sa paggawa Pag-igihan sa susunod

Related Documents