A U T I S M

  • Uploaded by: shayne
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View A U T I S M as PDF for free.

More details

  • Words: 937
  • Pages: 6
University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus Molino 3, Bacoor, Cavite S.Y. 2008-2009

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1. Introduksyon Sa Ingles, autism ang tawag sa espesyal na kondisyon ng taong may di-normal na pag-unlad. “May sarililng mundo” ang bansag naman sa Tagalog bilang paglalarawan sa autism. Ang manipestasyon kasi ng di-normal na kalagayang ito ay kilos na parang walang kaugnayan sa paligid ng tao at mistulang gumagalaw siya sa sariling kapaligiran. Ang autism o autistic spectrum disorder ay isang komplikadong kapansanan na may kaugnayan sa pag-unlad o paglaki ng bata, na may mahalagang epekto sa paraan kung paano ang isang tao ay nakikipagtalastasan, nakikisalamuha sa ibang tao at makapagsaad ng emosyon at idea. Ang mga salitang “Autistic Spectrum” ay kalimitang ginagamit sapagkat ang ganitong kalagayan ay nagkakaiba–iba sa mga tao. Ang Asperger Syndrome ay isang kalagayan na nasa hulihang bahagi ng spectrum kung saan mas maayos ang kalagayan o “more able end”. Sa bahaging hulihan ng spectrum kung saan hindi gaanong maayos ang kalagayan o “less able end” ay ang Kanner’s Syndrome o pinagsama-samang sintomas ng sakit na ito, na tinutukoy na klasikong awtismo. Ang autism ay isang sakit kung saan nahihirapan ang utak sa pagproproseso sa mga nakalap nitong impormasyon o pakiramdam. Ito ay nagdudulot ng suliranin sa isang batang autistic dahil apektado ang kanyang pakikisalamuha at pagkatuto.

1

University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus Molino 3, Bacoor, Cavite S.Y. 2008-2009

Laganap ang sakit na ito sa buong mundo at karaniwang makikita ang mga sintomas nito sa unang tatlong taon ng isang bata. Ang mga kondisyon at balangkas ng pag-uugali kaugnay ng “early infantile autism” o “maagang awtismo na nagmula pa sa pagkasanggol” ay unang inilarawan ng psychiatrist na bata na si Leo Kanner (1943). Ayon kay Kanner, kabilang sa mga pangunahing katangian ng ganitong kundisyon ang matinding kaibahan sa pakikisalamuha sa lipunan, sa pakikipagtalastasan, masyadong mahirap ang proseso ng pag-iisip at may mga ritwal na balangkas ng pag-uugali. Sa halos kasabay na panahon sa Europa, isang halos katulad na grupo ng mga bata ang inilarawan ni Hans Asperger (1944) at hindi naaangkop na pakikisalamuha sa lipunan, mahabang bulol-bulol at putol-putol na pananalita, kahinaan sa hindi-berbal na pakikipagtalastasan, mababaw na mga interes at mahinang kakayanan sa koordinasyon sa pagkilos ng katawan at sa pag-iisip. Inilarawan din sila na nahihirapan sa paggamit ng kasanayan sa isang paraang maaaring baguhin at kapaki-pakinabang. Ang ginawa ni Leo Kanner (1943) at ni Hans Asperger (1944) ang siyang bumuo ng batayan ng ating pagkaunawa sa Autistic Spectrum Disorder sa kasalukuyan. Habang marami pang mga debate tungkol sa kahulugan ng awtismo, at lalong-lalo na sa Asperger Syndrome, tanggap na ngayon sa pangkalahatan na ang awtismo pati na ang Asperger Syndrome ay kabilang sa isang mas malaking grupo ng mga sakit na may kaugnayan sa pakikisalamuha at

2

University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus Molino 3, Bacoor, Cavite S.Y. 2008-2009

pakikipagtastasan sa lipunan, na karaniwang kilala bilang Autistic Spectrum Disorder (ASD). 2. Layunin ng Pag-aaral Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa autism at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang kahulugan ng autism? 2. Ano ang sanhi ng autism at mayroon bang lunas ito? 3. Anu-ano ang mga damdamin ng mga maysakit na autism? Nang kanilang

pamilya? 4. Ano ang damdamin pananaw at saloobin ng mga mamamayan sa autism? 5. Sapat na ba ang mga programa ng gobyerno at medya tungkol sa autism?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral Sa kasalukuyan, marami na sa bawat miyembro ng pamilya ang nagkakaroon ng sakit na autism. Kaya naniniwala ang mga mananaliksik sa kahalagahan ng pag-aaral nito. Lingid sa kaalaman ng mga tao, lalo na sa mga ordinaryong mamamayan ang tunay

University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus Molino 3, Bacoor, Cavite S.Y. 2008-2009

3

na kahulugan ng autism. Marami ang natatakot o di kaya’y kinakaawaan ang taong may sakit na autism. Sa tulong ng pananaliksik na ito ay maibibigay ang tamang impormasyon sa mga mamayan. Mahalaga ang mga impormasyong ito, upang makatulong lalung-lalo na sa may autistic sa pamilya. Sa pamamagitan nito, ay malalaman nila ang sanhi, bunga at kung may lunas ba ito? Makakatulong din ito upang maibahagi sa mga mambabasa ang saloobin ng mga autistic at pati na rin ang kanilang pamilya. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaari ring malaman kung sapat na ba ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa autism at kung ano ang mga saloobin nila. Bukod dito, maaari ring malaman kung sapat na ba ang tulong at impormasyong naipamahagi ng gobyerno tungkol dito. Samakatuwid, sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga mamamayan ay magkaroon ng sapat na impormasyon at kaalaman kung ano ang dapat gawin kung sakasakaling makasalamuha sila ng isang taong autistic. Nais ding ipamahagi ng mananaliksik na hindi dapat katakutan, kaawaan o pandirihan ang taong may autism. Bagkus ay kailangan nila ang pang-unawa at pagmamahal.

University of perpetual Help System DALTA- Molino Campus Molino 3, Bacoor, Cavite S.Y. 2008-2009

4.Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbibigay-linaw tungkol sa kahulugan, sanhi at lunas kung mayroon man ang austism. Saklaw din ng pananaliksik na ito ang pagsusuri ng damdamin, pananaw, kaalaman at saloobin ng mga mamamayan tungkol sa

4

autism. Limitado lamang ang dami ng respondente at mas binigyang pansin ang mga ordinaryong mamamayan sa pag-aaral na ito dahil sa kakulangan sa panahon. Pinili rin ng mga mananaliksik ang mga ordinaryong mamamayan pagkat sila ang sumasalamin sa tunay na katayuan ng isang Juan dela Cruz sa ating bayan. Mula sa kanila ay malalaman kung sapat na ba ang impormasyon at tulong ng ibinibigay ng gobyerno.

5

6

Related Documents

A U T I S M
December 2019 32
T S U N A M E
October 2019 42
M U T U A L
June 2020 6
M U T U A L
June 2020 5
M U T U A L
June 2020 6
M U T U A L
June 2020 6

More Documents from ""

Autism
December 2019 36
Apendiks H
December 2019 24
Survey On Autism
December 2019 26
Jessicasohofil
December 2019 20