Tinig Ng Buhay Chorale Virgen Delas Flores, Baliwag, Bulacan
Ika- 12 ng Disyembre 2018 Minamahal na Kapatid, G. at Kgg. James at Carol Dellosa Kami, na mga miyembro ng Tinig ng Buhay Chorale, na kasalukuyang naglilingkod sa misa tuwing ika-3 linggo at sabado ng buwan, at sa iba pang mga gawaing pansimbahan, ay dumudulog sa inyong mapagbigay na puso para sa isang makabuluhang proyekto. Ang layunin nito ay makalikom ng pondo para sa aming dakilang adhikain na makapaglingkod sa Diyos at sa pamayanan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng pang araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain, “toiletries”, kagamitang pang-paunang lunas, atbp. para sa ating mga mahal na lolo at lola ng Emmaus House of Apostolate Malolos, Bulacan, sa ika-16 ng Disyembre taon 2018. Tunay nga na ang diwa ng Pasko ay ang pagmamahalan at pagbibigayan. Ang anuman pong inyong maipagkakaloob ay lubos naming ikagagalak at ipagpapasalamat. Pauna po ang aming pagbati sa inyo ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon! Maraming Salamat po at sumainyo lagi ang pagpapala at pagmamahal ng Diyos!
_______________________
_________________________
Rowena Dela Cruz
Lei Andrea Sumalabe
Kalihim
Ingat-Yaman
_____________________________
Sis. Eunice Torres Pangulo 2 Corinto 9:7-8 Magbigay ang bawat isa ayon sa ipinasya ng kaniyang puso, hindi sa kalungkutan o sa pangangailangan sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay ng masaya. 8 Magagawa ng Diyos na pasaganain sa inyo ang bawat biyaya upang sa lahat ng paraan ay magkaroon kayo ng kasapatan at sumagana kayo sa bawat mabuting gawa. 7